NANG tuluyang huminto ang sasakyan ni Uno ay kaagad itong bumaba upang buksan ang pinto sa gilid ni Aniah. Tinulungan nito ang kapatid na makababa sa kotse. Kapag kuwan ay inalalayan sa paglalakad. Sa isang bench sila humantong, doon siya inalalayang maupo ng kaniyang Kuya Uno. Wala pa ring humpay sa pagbalong ng luha ang kaniyang mga mata. At ang puso niya, para bang tinatadtad ng pinong-pino. Sobrang sakit. Nakakapanlambot ang pakiramdam na iyon. Kung hindi siya aalalayan ng kaniyang kapatid, baka gumapang pa siya sa damuhan. “Ano ba ang nangyari, Aniah? Siguro naman, puwede mo ng sabihin sa akin?” Bago sagutin ang tanong na iyon ng kaniyang kapatid, saka lang niya napansin ang lugar na kanilang kinaroroonan nang mag-angat siya ng mukha buhat sa pagkakayuko. Sa harap ng kinauupuan ni