ISA SA pinakainiwasan muna ni Aniah ay ang pagiging asumera niya pagdating kay Evo. Kung ano mang kabutihan ang ipakita nito sa kaniya, itinatak niya sa kaniyang isipan na hindi siya dapat mag-assume ng kahit na ano. Dahil ayaw niyang mapahiya na naman nang harap-harapan. Sinikap din ni Aniah na maging kaswal lang kapag kaharap si Evo nang bumalik siya sa The Kings. Pero bukod kay Olivia, saka lang niya nalaman na may bagong pasok din sa The Kings na waitress. Maganda rin. Medyo mahinhin kung kumilos. Kita niya sa mga mata niyon kapag sumusunod ng tingin kay Evo. Kakaiba rin iyong ngiti kapag ngumingiti kay Evo o kapag binabati ang binata. Natitiyak ni Aniah na interesado rin si Jane kay Evo. Sa part siguro na marami ang nagkakagusto o humahanga kay Evo, hindi na rin niya mapipigilan p