NALULUHA na naman nang ibaba ni Aniah ang cellphone sa tabi niya, sa kama na kaniyang kinahihigaan. Isang linggo na ngunit hindi pa rin niya ma-contact si Evo. Iniwan na lang siya nito ng ganoon na lamang. Ang isa sa hindi matanggap ni Aniah, hindi man lamang gumawa ng move si Evo para linawin sa kaniya ang lahat. Just like that, he vanished into thin air. At isipin pa lang na for good na ang pagkawala nito sa buhay niya, sobrang pinaninikipan siya ng dibdib. Sobrang hindi siya handa. Lalo na at masaya naman sila sa mga nakalipas na araw. Ni wala rin silang pinag-aawayan. Okay naman sila nang huling araw na magkasama sila. May plano pa sila na magkikita sa rest day ni Evo sa The Kings. Pero wala ng ganoon. Hindi na iyon natuloy pa. Gabi na naman kaya hinayaan niya ang sarili na umiyak