REBECCA’S POV “TALAGA po, Nanay, Tatay? Magiging ate na po ako?” tuwang-tuwa na bulalas ni Samantha pagkatapos naming sabihin ni Uncle Sam sa kaniya ang ipinagbubuntis ko. “Opo, princess. Kaya alagaan mo ang Nanay mo, ha? Lalo na kapag wala ang Tatay Sam,” masuyong sagot ng kaniyang ama at hinaplos ang buhok niya. “I know you’re a good girl naman. Pero dapat, mas maging mabait pa dahil magiging ate ka na.” “Opo, Tatay. Magiging good girl pa po ako. At ako po ang mag-aalaga sa kapatid ko.” Nakangiti lang ako na nakikinig sa pag-uusap ng aking mag-ama. Ang sarap nilang pagmasdan. Lalo na si Samantha na kitang-kita sa kaniyang mukha kung gaano siya kasaya at ka-excited na magkaroon ng kapatid. “Little sister po ba? O little brother?” “Sa ngayon, anak, hindi pa natin malalaman kung sist

