REBECCA'S POV "ANO pa ang tinutunga-tunganga mo diyan? Kunin mo dito ang mga gamit ko!" sigaw sa akin ni Auntie Suzette nang makababa siya ng kotse at nakita niya ako na tila napako sa kinatatayuan. Sandaling nagkatinginan kami ni Uncle Sam bago ako nagyuko ng ulo at lumapit kay Auntie Suzette. "N-nasaan po ang mga gamit n'yo, Auntie?" kabadong tanong ko. Nag-aalala ako na baka nakita niya ang paghawak ng asawa niya sa braso ko kanina. At ang mas malala, baka makilala niya itong jacket ni Uncle Sam na suot ko. Tiningnan ako nang masama ni Auntie Suzette. "Saan pa? Eh, 'di nasa compartment. Alangan namang nasa Batangas pa, 'di ba? Tanga-tang* mo talaga!" Akmang hihilahihin ng tiyahin ko ang aking buhok nang lumapit sa amin si Uncle Sam at inawat siya. "Suzette, tama na 'yan! Sinasakt