CHAPTER 74

1758 Words

REBECCA'S POV "NANAY, saan po tayo pupunta? Bakit sasakay po tayo ng bus?" nagtatakang tanong sa akin ni Samantha habang pasakay kami ng bus, kinabukasan din pagkatapos naming makapag-usap ni Meryl. Ito ang desisyon na gusto kong panindigan. Ang magpakalayo-layo na lang kami ng aking anak kahit hindi ko alam kung saan kami magsisimula. "Pupunta tayo ng Tagaytay, anak. 'Di ba gusto mong makita ang Bulkang Taal?" "Wow!" Nanlaki sa tuwa ang mga mata ni Samantha. "Sa Tagaytay po? 'Di ba po sa Batangas ang Bulkang Taal?" "Magkalapit lang kasi ang Tagaytay at Batangas, anak. Kaya makikita din natin doon ang Bulkang Taal," matiyaga na paliwanag ko sa kaniya. Kaya siya lumalaki na matalino dahil sa kuryosidad niya sa kabila ng murang edad niya. At lahat ng iyon ay sinusubukan kong sagutin h

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD