REBECCA'S POV HINDI naman gano'n kalayo mula sa bus terminal ang kainan na papasukan ko kaya nag-jeep na lang kami pagkatapos naming kumain. Akala ko nga magrereklamo si Tristan dahil punuan tapos marami pa kaming dala. Ngunit lihim niya akong napahanga dahil hindi ko siya narinig na nagreklamo mula sa kinainan naming karinderia kahit hindi gano'n kasarap ang mga pagkain. Basta nakaalalay lang siya sa amin ni Samantha. "Wait. Diyan ka magtatrabaho?" tanong niya sa akin nang bumaba kami ng jeep at itinuro ko na sa kaniya ang kainan na katabi lang ng hi-way. Isa iyong restaurant na pang-middle class. Pero malinis at maayos naman ang paligid. Natikman ko na rin ang mga pagkain nila kaya hindi na nakapagtataka kung bakit dinadayo dahil lahat ay masasarap at mga lutong Pinoy pa. "Oo