REBECCA’S POV “AUNTIE SUZETTE!” malakas na tili ko nang makita ko ang aking tiyahin na nakadapa sa sahig. Sa tingin ko, sinubukan niyang bumaba mula sa kama at nahulog siya. Mabilis naman siyang dinaluhan ni Uncle Sam at saka tinulungang tumayo. Kitang-kita ko sa maputlang mukha ni Auntie Suzette ang pagkagitla nang makita niya kami. “R-Rebecca? Samuel?” bulalas niya sa mahinang boses bago siya unti-unting nawalan ng malay. “Auntie!” malakas na sigaw ko uli at saka ko tinulungan si Uncle Sam na buhatin ang tiyahin ko papunta sa aming sasakyan. Binuhat ko naman si Samantha at saka naman mabilisang isinugod sa pinakamalapit na ospital si Auntie Suzette. REBECCA’S POV “KAYO ho ba ang kamag-anak ni Suzette Bautista?” tanong sa amin ng doctor pagkatapos niyang suriin ang tiyahin ko.

