CHAPTER 66

2318 Words

REBECCA’S POV LUMIPAS ang maghapon na hindi na bumalik sa kaniyang opisina si Sir Tristan. Kahit isang tawag o text man lang ay wala akong natanggap mula sa kaniya. Pilit kong iwinaksi sa tuwing sumasagi sa aking isipan na magkasama sila ni Meryl. Itinuon ko na lamang ang aking atensiyon sa trabaho hanggang sa sumapit ang uwian. Dumating ako sa bahay na wala siya. At wala rin ang kaniyang nobya. “Hindi ba sinabi sa’yo ni Tristan bago siya umalis sa opisina niya kanina na paalis sila ni Meryl papuntang Japan?” tanong din sa akin ni Momma pagkatapos kong magtanong nang kaswal kung nasaan ang boss ko at pati na rin si Meryl. Sinikap kong itago sa aking boses at mukha ang pagkagulat. “P-pumunta po silang Japan? Ang alam ko lang po kasi, kaya siya umuwi dahil masama raw po ang pakiramdam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD