REBECCA’S POV “NANAY, bilisan n’yo po,” tila naiinip nang yakag sa akin ni Samantha habang hila-hila niya ang aking kamay. Malalaki na nga ang mga hakbang ko pero mas nagmamadali pa ang anak ko. “Talagang bibilisan natin, anak. At malalagot talaga sa akin ang Tatay mong ‘yon!” hindi ko napigilan na bulalas. “Baka hindi lang pingot ang magagawa ko kapag nakita ko siya mamaya.” “Tingnan na lang po natin, Nanay,” sagot ni Samantha, sabay hagikhik. “Kaya nga po kailangan na nating bilisan, eh.” Kumunot ang aking noo dahil sa labas na pagtataka. “Bakit parang masaya ka pa, anak? Gusto mo bang magkaroon ng ibang nanay?” Tumawa lang si Samantha pero hindi na siya sumagot. Patuloy lang siya sa paghila sa akin. Mayamaya ay nakarating na kami sa tabing-dagat. Pero hindi naman tulad ng sinabi n

