REBECCA'S POV "SUMUNOD ka na lang sa tindahan. Ipagluto mo muna ako ng sinigang na bangus. Gusto kong humigop ng mainit na sabaw paggising ko, at puyat ko," mataray na utos sa akin ni Auntie Suzette isang umaga. Bigla akong nalungkot dahil hindi ko pala makakasabay sa pagpasok si Uncle Sam. Pero siyempre, hindi ko iyon puwedeng ipahalata sa tiyahin ko. Hindi niya puwedeng malaman na isang linggo na kaming naglalampungan ng asawa niya. "Sige po, Auntie. Para dalhan ko na rin ng pagkain si Uncle. Sinigang na rin po ba ang dadalhin ko sa kaniya?" "Kahit ano!" Umirap lang si Auntie at saka tumalikod. Mukhang lumalala ang pagkakalabuan nila ng asawa niya. Nakikita ko na wala na talagang pakialam kay Uncle Sam si Auntie Suzette. Pero ang tiyuhin ko, nakikita ko naman na may malasakit at