SAMANTHA’S POV NAPAHINTO ako sa paglalakad sa pasilyo nang marinig ko ang tila pag-iyak ni Nanay Rebecca mula sa kanilang silid ni Tatay Sam. Bahagyang nakaawang ang pinto nang lingunin ko kaya umabot iyon sa aking pandinig. Hindi ko naman ugali na makinig sa usapan ng aking mga magulang kapag hindi ako kasali o kaya ay sinabihan ako. Kahit sa usapan ng ibang tao. Gano’n kasi kami pinalaki nila Nanay at Tatay. Ngunit hindi ko alam kung bakit parang iba ang pakiramdam ko sa mga sandaling ito. Hindi ako mapakali sa klase ng paghikbi ni Nanay Rebecca na naririnig ko. Simula noong bata pa ako, ngayon ko lang siya narinig nang gano’n. Isang malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan bago ako dahan-dahan na lumapit sa pinto ng kanilang silid at inilapit ang aking taing sa awang nito. Ag

