UNCLE SAM'S POV ISANG BUWAN na rin simula nang makabalik kami rito sa dati naming tinitirhan. At habang hindi pa ako tuluyang nakakaalala, dito na muna kami. Unti-unti ko nang napaayos ang mga sira. Pati ang dating tindahan ko ay unti-unti ko na ring pinapaayos. Plano rin naming buksan iyon kapag gumaling na ako. Sa ngayon, ini-enjoy ko muna ang pag -aalaga sa mag-iina ko. Lalo na kay Rebecca habang nagbubuntis siya. "Ikaw na naman ang nagluto ng almusal? Ang tigas talaga ng ulo mo," nakanguso na reklamo niya nang paggising niya, nakahanda na agad ang almusal namin. "Sinabi ko naman sa'yo na ako naman ang mag-alalaga sa inyo ng anak natin, 'di ba?" Sinalubong ko siya ng halik sa noo at tungki ng ilong niya. "Sige na nga. Ano pa ba sing magagawa ko kung mas lumala pa ang pagiging

