REBECCA’S POV “RODRIGO, ano ba? Bitiwan mo nga ako!” malakas na sigaw nang sapilitan akong hinawakan ni Rodrigo. Lalo akong nilukob ng takot dahil sa matinding pagnanasa na nakita ko sa kaniyang mga mata. “Hindi, Rebecca. Hindi kita bibitiwan. Hindi ako papayag na hindi ka maging akin.” Tila demonyo na ngumisi pa siya habang pilit niya akong hinihila palapit sa kaniya. “Ako ang nababagay sa’yo at hindi ang Sam na ‘yon. Kaya nga inayawan na siya ng Aunte Suzette mo dahil wala siyang silbi sa kama. Mas magaling daw ako at masarap kaya ako ang pinili niya at sa akin na niya ipinapamana ang tindahang ito.” Bigla akong natigilan at nanlaki ang aking mga mata sa narinig ko na sinabi ni Rodrigo. Hindi agad ako nakapagsalita dahil hindi ko sigurado kung nagkamali nga lang ba ako ng dinig. Ngun