REBECCA’S POV MAGHAPON kaming abala sa seminar ni Sir Tristan. Nalaman ko lang na madilim na pala nang lumabas na ako. Patuloy pa rin kaming nag-iiwasan ng boss ko kaya hindi ko alam kung saan siya pumunta pagkatapos ng seminar. Ako naman, nagdesisyon na bumalik na lang sa hotel para makapagpahinga. Balak ko rin na tumawag sa bahay para kausapin si Samantha. Nami-miss ko na agad ang anak ko. Papasok na sana ako sa hotel nang mapansin ko ang pamilyar na mukha na palabas naman. Nagkatinginan kaming dalawa. At pareho kaming nagulat pagkatapos. “Sir Castillo!” hindi makapaniwala ngunit natutuwa na bulalas ko. “Rebecca!” masaya at gulat din na tawag niya sa akin habang palapit siya. Kitang-kita ko ang paghanga sa kaniyang mukha nang makita niya ang bagong ayos ko. “Ano ang ginagawa mo rito