PASADO ALAS OTSO na ng umaga pero wala pa rin si boss. Nagtaka ako no'ng paggising ko ay wala siya sa tabi ko at sa buong bahay. Hindi rin niya dinala ang kotse niya. Nasa garahe lang ito, hindi niya gawain ang mag-iwan ng kotse. Pero ngayon ay iniwan niya. Kinakabahan na ako baka may nangyari sa kaniya pero huwag naman sana. Saan na ba kasi siya. Lumabas ako ng bahay para puntahan si Sky baka may alam siya saan si Lewis. Nasa kabilang bahay lang naman si Sky. Saktong paglabas ko ay pagpasok din niya sa gate ng bahay. "Sky!" tawag ko sa kaniya. Napansin naman niya ako. Nagulat nga lang siya nang makita ako pero ngumiti rin siya kalaunan. "Congrats pala sa inyo. Mabuti pa si Lewis nakita na ang sa kaniya. Habang ako tinaguan ng babaeng mahal." Medyo hindi ko narinig ang huling sinabi n