Khei's POV Binagsak ko agad ang aking sarili sa lounge no'ng maka-uwi na kami sa pansamantalang bahay na tinitirahan ng anak ko. Hindi ko alam na buong biyahe na pala akong wala sa huwisyo. "Are you, okay? tanong sa akin ni Jonathan no'ng makapasok siya sa sala. "Yes," sagot ko at pilit na ngumiti sa kaniya. Alam ko sa sarili ko kung okay ba talaga ako o hindi. At ang tamang sagot no'n ay hindi ako okay. "Are you sure?" ani niya na waring naninigurado. Marahan akong tumango sa kaniya. Mukha namang naniwala siya sa aking sinabi. "Magluluto muna ako," sabi niya. "Natutulog na pala si Ludwig sa kwarto niya." dagdag pa nito bago siya tumungo sa kusina. Dalawang malalim na hininga naman ang pinakawalan ko no'ng mawala sa aking paningin si Jonathan. Hindi pa rin matanggap ng utak ko an