Isang brown envelope ang iniabot ni Lance kay Aya. "Heto na ang resulta ng pag-iimbestiga kay Ash Heiler, Aya."wika ni Lance. Nanginginig ang kamay ni Aya na binuksan ang envelope. Nakita niya ang ilang litrato doon ni Ash na nasa Amerika. Binasa ni Aya ang nakasulat sa papel. Profile pala iyon ni Ash. "Sinasabi diyang nang gabing masaksak si Ash ay si George Heiler ang nakakita sa kanya at dinala siya sa ospital sa halip na ang mga pulis ang magdala sa kanya. Iisa lamang ang anak ni Mr. Heiler ay isa itong doktor ngayon gaya ng asawa niya. Matagal ng gustong magkaroon ng anak na lalaki si Mr. Heiler subalit hindi na makaanak ang asawa niya dahil operado na ito sa matris. Sakto namang dumating si Ash. Ginamit niya ang kanyang koneksyon para madala ni Ash ang apelyido niya. Isinama niy