“Wow! This is so out of the world!” Hinawakan ni Hana ang nag liliwanag na mga ukit na baybayin. It was growing in green and Sid has to laugh. “You are also tracing that before. Nung unang dala ko sa inyo dito. Manghang mangha kayo sa mga bagay bagay.” Iya was also looking at the runes and tracing it. Pinicture-an pa nga nito sa phone nito. Kahit hirap ang dalawa na alalayan si Andy ay nagawa pa talagang mag picture na ikinailing na lang niya. “Iya. Don’t show that to anyone.” Babala niya dito. But Iya looked at him and shot an eyebrow up. “Kahit naman ipakita ko ito sa iba. Iisipin lang nilang photoshop ito.” Tumitig ito sa kanya. “Akala ko ikaw talaga yung kidnapper. Baka gusto mong mag explain? Paano ka naging diyos kagaya ni Dalik? Sino ka sa Philippine Mythology?”