That guy is weird…. Nakapangalumbaba si Andy habang nakatingin sa court na pinag p-practice-an nila. Kahapon pa nila napag usapan ng kaibigan niya ang tungkol kay Sid. Hindi niya kasi alam kung ganun lang ba talaga ito ka friendly o may iba pa itong motibo sa pag lapit sa kanila. Her bestfriend also thinks na baka nga daw masamang tao ito. Kaya nga nagpahatid na lang din siya kay Kuya Fred at susunduin din siya nito mamaya. Natakot din ata ang dad niya sa naikwento ng madaldal niyang kaibigan. Napalingon siya sa gilid niya ng makita sa peripheral vision niya ang bestfriend ni Iya. “Uy Cutie Andy. Ikaw na ang makipag sparring sakin sa singles ang lalampa ng mga ito eh.” Tinuro ni Myra ang mga kalaban nito na tila pagod na pagod na nakaupo sa bench. “Wala pa kasi si Iya Baby. Walan