*Mature content R18+. Skip if you are a minor. * ARMINA Parang ako tinarakan ng punyal sa mga huling katagang binitawan ni Tyrone. Nangamba ako na baka sa huli ay tama siya. Paano kung iwan at masaktan lang ako? Baka pagsisigahan ko sa huli kapag ipinagpatuloy ko itong kahibangan ko kay Nate. ‘Maari bang umibig sa loob ng apatnapung oras lamang?’ Dalawang araw. Dalawang araw ko pa lamang siyang nakikilala. Bagaman naiinis ako sa kayabangan ni Nate. Hindi ko magawang magalit ng lubusan rito. Alam kong nagtampo siya sa akin dahil sa pinagtawanan ko ito sa dyip kahapon. ‘Malay ko bang nasaktan nga talaga siya.’ Daig ko pa ang nobyang natataranta kung paano paamuin ang aking nobyo. Iyong pakiramdam na mabalisa nang dahil hindi ito umiimik. Hindi ko alam kung paano ko ba sis