NATE Kahit kailan hindi ako naglakas ng loob sumakay sa dyip sa Maynila. Masaya rin pala sumakay dito kahit siksikan. Masaya dahil magkadikit at magkalapit kami mi Armina. Hindi nito inalis ang pagkakaakbay ko sa kaniya. Napansin kong panay titig kay Armina iyong mamang katabi nito. Nakapatong ang mga kamay nito sa hita almot touching her legs. “Baby, why don’t we switch?” tanong ko rito. Kumunot ang noo ni Armina.”Let’s switch seats, Ara.” “Okay lang ako rito,” aniya. “Magpalit tayo ng upuan ngayon na!” Utos ko rito. Hindi siya umumik kaya tinitigan ko siya ng matalim.Nakukuha pala si Armina sa tingin. Siguro ganoon ang gawain ni Lola Pacing rito kapag nagmamaldita. Inaangat na ni Armina ang kaniyang katawan para makipagpalit sa akin n