ARMINA Naiinis ako sa sarili ko. Pinipigilan ng isip ko ang sarili kong 'wag tumugon sa mga halik ni Nate. Ngunit bawat dampi ng labi nito sa labi ko. Bawat haplos ng kaniyang palad sa balat ko ay nakakahumaling. Trinatraydor ako ng sarili kong katawan. Itong puso ko ay kumakalabog nang husto. Tila kakawala na sa aking dibdib. Paano ko pa pipigilan ang sarili ko na 'wag tuluyang mahulog sa kaniya? Sa bigat ng aking kalooban hindi ko na napigilang naiyak sa mga nangyayari. Dapat ay masaya ako. Dapat ay ninamnam ko ang bawat oras na magkasama kami.Alam kung lahat ng ito ay may hangganan. Alam ko na darating ang oras na lilisanin niya ang Batanes. Lumilikot na naman ang mga kamay ni Nate. Awtomatikong dumadampi ang palad nito sa aking balat sa tuwing magkakalapit kaming dalawa.Hindi na nak