ROMULO Napansin ko ang gulat at pagkatuliro ni Armina. 'Kaano-ano ba ni Alvidrez si Armina?' Alam ko ang background ng anak ni Alejandro. Kilala itong babaero sa Maynila. Sana'y hindi niya biniktima ang anak ko dahil kahit siya pa ang dahilan sa pagtatagpo naming mag-ama at siya ang nagsabi sa akin ng katotohanan hindi ko palalagpasin ang kalokohan niya. "Nate po?" "Yes, nakipagkita sa akin ang binatang iyon sa Cebu para ipaalam sa akin na may anak kami ni Arabella." "Natunton niya kayo agad?" Maypagtataka at pagkamanghang tanong niya sa akin. Sa tono nito ay tila interesado siya kay Alvidrez. "Kilala mo si Nate?" tanong ni Phoenix kay Armina. Alam kong magkakilala ang anak ko at anak ni Alejandro dahil sa personal real estate investment nito. "Bakit kilala mo ba siya?" "Baka