ARMINA Bigay nila Killian si Perlita ito na lang ang natira sa isang dosenang sisiw na iniwan nila sa akin. Nanlaki ang mata ni Killian nang sinabi kong winakasan ko na ang buhay ni Perlita. Hirap na hirap na ito sa sobrang katabaan. Hindi na rin nangingitlog kaya puwede na siyang gawing tinola. “Kinatay mo na si Perlita?” gulat na tanong nito na mangiyak-ngiyak pa. “Ang drama mo, Killian. Manok si Perlita hindi tao. Tara salohan mo kami. Malambot pa naman ang karne niya.” “’Wag na lang, Ara. Naawa ako kay Perlita. Hinatid lang namin ang speed boat ni Tyrone.” “Iniwan niya sa’yo?” “Hindi. Tinawagan ko siya. Iniwan niya sa La Isla Bernabe. Nabangit ko na gusto mong hiramin ang aking bangka. Sabi niya kunin ko raw iyong speed boat niya at iyon ang