Live Together

1062 Words

ARMINA Kung kahapon ay inalok niya akong sumama sa kaniya sa Maynila. Ngayon naman may kasamang usapang anak na. Ang bilis naman ni Nate. Parang sigurado na siyang sasama nga ako sa kaniya. Paano kung hindi ako payagan ni Lola Pacing? Paano kung pagdating ng araw na aalis na siya ay hindi ko pala kayang mawalay sa kaniya? Paano kung hindi ko kayang iwan ang Batanes? Nilalamon na ako ng maraming ‘paano.’ Hindi ko na alam kung maniniwala ba ako kay Nate. Pagkakatiwalaan ko ba siya? ‘Ibinigay mo na ang lahat-lahat sa’yo Armina. Hindi pa ba tiwala ang tawag doon?’ May puwang na nga ba si Nate sa puso ko? Nang isuko ko sa kaniya ang sarili ko pinapasok ko na siya ng tuluyan sa buhay ko. Ganito rin kaya ang naramdaman ni Nanay Arabella ko sa tatay Romulo ko? Sana buhay pa ang Nanay ko. Sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD