ARMINA Pagkatapos namin maghapunan ay umalis na si Lola Pacing at si Tyrone papunta sa hacienda nila. May sakit na naman kasi si Tara at ang tampulan ng tulong ng mga Bernabe kapag nagkakasakit ito ay si lola. Menopausal baby si Tara, limang-taong gulang pa lamang ito. Dalawampu’t tatlong taon ang tanda ni Tyrone sa kapatid niya. Dalawampu’t walong taon na si Tyrone ngayon. Apat na taon naman ang pagitan ng edad naming dalawa. Kakat’wa nga lang na magkapareho ang araw at buwan ng aming kapanganakan. Kaya’t madalas libre ang handaan sa tuwing kaarawan ko noong bata pa kami. Si Tyrone ang kababata ko na sobrang yaman ngunit mas gusto nitong mangisda. Si Rone ang heredero ng mga Bernabe. Sila ang pinakamayamang angkan sa lugar namin dito sa Batanes.Para kay Rone, libangan lamang ang pang