NATE Nangangatog na sa lamig ang katawan ko kaya hindi na ako nagtagal pa sa banyo. Nilinis ko ang aking sarili kahit hindi naman ako marumi. Mamahaling sabon ang pinagamit ni Armina sa akin. Maging ang tuwalya ay pure cotton. Maalaga. Iyon ang wala sa mga babaeng naka relasyon ko. Lahat sila ay pabebe at kailangan kong alagaan. Madalas ay ginagamit lamang ako dahil sa istado ko sa buhay. Laruan lamang sila sa akin. Quits kong baga. They use me. I use them. Pleasure is all that is. No love. No commitment. Pumasok na ako sa loob ng kubo. Nakita ko si Armina na naglilinis ng isda. May nakasalang ng kaldero sa kalang gawa sa bato. May ilang piraso ng kahoy na nagbubuga ng makapal na usok. Makaraan ang ilang sandali may nakita na akong apoy na nagmumula sa siga kanina. Tinutuyo ko pa ng