“Papa, is everything okay now? Pwede na po akong umuwi?” Hinila ni Byron ang damit ni Strike habang nakatingin siya sa resibo na binayaran niya gamit ang card. He smiled at the boy and nodded. “Yes, buddy. Uuwi na tayo.” “Doon ka na titira sa house namin?” Ang laki ng ngiti nito at parang nag-aasume na oo ang isasagot niya. “Ahm, not for now but soon. Papa has to fix so many things first but time will come, we'll live in the same house.” “Okay.” Kibit ni Byron. “I believe you.” Strike rumpled Byron's hair and held his hand. Nag-iisip siya kung ipakikita niya kay Mavi ang bill o hindi na dahil baka mahimatay 'yon sa presyo. Bente lang nga na pamasahe ay tinitipid pa, daang libo pa kaya? “Uncle!” Strike looked back when he heard that voice behind him. Hindi siya gaanong lumingon per