Walang humpay sa pagpahid ng luha si Mavi habang papasok siya sa department ng Financing. Magpapaalam siya na hindi siya makakapasok dahil biglaan nilang isinugod si Byron sa ospital. Her son is not well. He’s not even getting better at pakiramdam niya, ang laki rin ng kasalanan niya sa bata. Noong nakaraan pa iyon hiling nang hiling sa kanya na tawagan niya si Strike pero sa halip ay hindi niya pinagbibigyan. Unfair kasi iyon para kay Vander, kaya lang, simula noon ay ang tamlay tamlay na ng anak niya hanggang sa nagkasakit na nga. Kagabi lang, uminom pa iyon ng gamot na reseta ng Pediatrician pero sa oras daw na mahirapan sa paghinga at hindi maging normal ang bilang ng pagtaas-baba ng dibdib, dalahin na raw nila sa ospital. Binantayan niya iyon sa buong magdamag pero nang mag-uumaga