They stopped in front of an apartment, a bit older than what Strike thought but it still looks comfortable. Tiningnan niya si Mavi na parang nahihiya sa kanya. Nakatayo ito sa may pinto ng sasakyan, matapos niyang ipagbukas. “Pasok po, Chairman.” Anito kaya halos makamot niya ang ulo. Chairman na lang ito nang chairman. Ilang saglit na lang, isusumpa na naman niya ang buhay niya bilang isang Cibrian. “Kape ho.” She told him and he nodded. “Paraanin niyo na rin po ako.” Anito pa dahil naiipit niya pa rin ito sa may kotse. He moved a bit to give way. Dumaan ito sa harap niya pero kasusunod siya at hindi naman sadya ay napahawak siya sa balakang nito na agad nitong ikinapiksi. “Naman po, panghawak po kayo nang panghawak.” She glared. Strike just laughed. Hindi naman niya sinasadya ‘y