“Spell yes, oo na nga po!” tawa nang tawa sina Emy at Paz habang papalabas silang tatlo sa lobby ng Cibrian Pillar. Kung dati-rati ay nanliit siya, pakiramdam niya ngayon ay alikabok na lang siya sa sahig ng building na iyon. Siya nasa lobby, ang Chairman ay nasa 97th floor ng building, o di ba ang layo? Yakap niya ang malaking box na kumpleto ng Cars, may isang truck na dilaw at nasa itaas noon ay ang walong pirasong maliliit na kotse-kotsehan. Narinig niya na galing iyon sa mismong Premiere night ng palabas. Cars 3 ang nakalagay, original, mamahalin. Nakakatuwang isipin sana dahil siguradong magugustuhan iyon ng anak niya. Dilaw kasi ang paboritong kulay ni Byron pero mahal no’n lahat ng characters sa palabas na iyon. Si Vander naman ang mahilig sa kotse dahil ang sabi no'n noon