Para ng giraffe si Mavi sa may gilid ng canteen kasi pinahahaba niya ang leeg para matingnan kung saan itinatago ni Batsoy ang tupperware niya. Magkikita rin sila. “Hoy, anong ginawa mo riyan? Umupo ka nga.” Ani Paz sa kanya pero sinenyasan niya ito na huwag maingay. “Bini-visualize ko ang mga lalagyan ni Ate Batsoy ng plato. Gusto kong makita ang tupperware ng bossing ko.” “Okay. At baka ang hinahanap mong tupperware ay nasa bossing din natin, kung hindi pa niya itinapon ‘yon.” Simpleng sagot ni Paz. Sila lang dalawa ang magkasama dahil wala si Emy, nag-aasikaso sa SSS ng burial ng namatay na lola noong dekada sitenta—este noong nakaraang buwan pala. “Sinasabi mo ba na dapat puntahan ko na si Señor Chairman?” “Mismo.” Bungisngis nito. “Hay naku, may epal talaga!” bulalas ng isan