Mavi stepped out of the red limousine with her friends. Her black dress with a red bow accent matched the color of the car, drove by one of Strike's bodyguards. “Walang hiya, kabog silang lahat sa'yo, bruha.” Hagikhik ni Emy sa tabi niya. “Kaya lang bakit naman nag-itim ka?” “Kanina ka pa naman paulit-ulit. Hindi nga ba at ipinagluluksa ko ang pride kong namatay kanina nang pitumpu't pitong beses? Ikaw kaya ang mapahiya nang ganoon?” Simangot niya sa kaibigan na humalukipkip naman. “Bakit kasi hindi mo sinagot ang matanda na 'yon?” “Eh di para ko na rin sinagot ang nanay ko kapag ginawa ko 'yon. Alam niyo naman na hindi ako mapagpatol sa ganoon. Kung mga kaklase nga natin, napagpapasensyahan ko, si Chairman Cibrian pa ba na mass matanda pa sa nanay kong Amerikanang laspag? Saka, tama