SIX and SEVEN

3815 Words
6 Aray ko! Parang nabali ang leeg ni Mavi nang bigla na lamang may humila sa buhok niya kaya agad siyang napalingon. Si Emy pala iyon at tumitili nang walang sound. Para itong gaga habang hawak ang mahabang buhok niya. “Sasabunutan kita. Pasira ka ng moment sa gwapong empleyado.” Aniya sa kaibigan sa boses na halos di rin naman lumalabas. Napatitig siya sa mukha ng lalaki. He has the same eyes with that man she saw at FWU. Hinding hindi niya makakalimutan ang mga ganoong mata dahil ganoon din ang mga mata ng anak niya. “Bruha, sushunga-shunga ka talaga. Hindi iyon empleyado. Boss mo ‘yon, gaga ka talaga. Nagkakalat ka.” Ani Emy na parang mas ninenerbyos pa sa kanya. Ha? Kung ninenerbyos man siya, dahil iyon sa ngiti na walang kasing mahal. Nginitian siya ng…boss niya? Inilibre pa siya no'n kung hindi siya nananaginip. Napatingin siya sa dako ng lalaki. Naupo na iyon sa mesa kung saan may isang magandang babae at sosyalin ang dating, mas sosyal pa sa mga executives ng kumpanya. The woman is very beautiful, so confident in her attire, bold, daring, seductive…anything that concerns about sexiness. Parang dyosa ang babae sa tingin niya. Puting-puti iyon na parang si Nicole Kidman noong kagandahan pa ng artistang iyon. Inialis niya ang atensyon sa babae at inilipat sa boss daw niya. He’s facing Mavi's direction and looked her way. Agad niyang nahawakan ang palda dahil baka malaglag. “Bruha, may garter ka ba?” “Ha? Bakit?” “Kasi kailangan ko ng garter para sa skirt ko.” Parang wala sa sariling sabi niya. “Shunga. Kailangan mo rin sa panty kasi kanina ka pa nakatulala, bruha.” Susmiyo. Sino bang hindi mapapatulala? Iyon na yata ang pinakagwapong lalaking nakita niya sa tanan ng buhay niya bukod kay Vander at sa anak niya. Nakatingin pa rin siya sa lalaki. Kung iyon ang boss niya, iyon yata si Señor Tyron Cibrian. Parang ang bata naman nito para maging Señor. Kung tatanungin naman niya si Emy, sasabihin nito na tanga talaga siya. Wala siyang alam sa boss nila. Wala talaga kasi wala naman siyang pakialam sa mundo kung hindi magtrabaho lang. Baka nagpaparetoke si Señor Tyron kaya mukhang bata. “Marianne, ito na ‘yong mga pagkain. Nakaswerte kang bata ka, unang araw ni Chairman sa trabaho, nailibre ka kaagad, times three pa.” anang ate Batsoy nila na may-ari ng kantina at serbidora pa. Paminsan kapag kulang ito sa tao ay nakiki-side line siya kahit tanghali lang. Ganoon siya, mukhang pera. Wala kasi, kailangan niyang kumayod nang kumayod para sa lahat ng gastusin. Tulong sila ng Mama niya pero hindi naman niya iyon inaasahan na matutustusan ang karamihan sa pangangailangan nila dahil hindi naman malaki ang kita no'n. Karamihan sa mga tao sa Maynila ay sa Salon ang punta para sa manicure at pedicure pero dahil libangan na rin ng Mama niya ang pagkutkot ng kuko, hinahayaan niya. May mangilan-ngilan naman na nagtityaga dahil siguro naaawa. “Salamat, ate Batsoy.” Nakangiting sagot naman niya sa babae pero si Emy ay mabilis pa sa alas kwatrong kinuha ang tray. “Ayee, nilibre siya ni Chairman.” Ani pa ng kaibigan niya saka iyon umalis, bitbit ang tray. Alanganin na tuloy na lumingon si Mavi sa kinauupuan ng boss niyang may asul na mga mata, may pink na labi, may makakapal na brown na mga kilay, mahabang buhok na maruming tingnan pero nakakagwapo pa rin, may mga tumutubong balbas, may malalapad na dibdib… Hinto. Pastilyas talaga. She easily gets attracted to her boss' kind. Wala naman masama na humanga sa kagwapuhan ng isang lalaki. Bakit ba? Lahat naman yata ng babae napapatingin sa gwapo pero sa nangyari sa buhay niya, mas may isip na siya ngayon, na mas mahalaga ang ugali at kalooban lalo na ng isang lalaki, dahil lalaki ang nambubuntis at nang-iiwan. Tumalikod na lang siya at hindi na tiningnan si Señor Tyler. Hindi talaga siya makapaniwala na iyon ang matandang may-ari ng Cibrian Pillar. Ganoon siguro kapag mayayaman, o sobrang yaman, nagmumukhang trenta kahit na senior citizen na. Lumapit siya sa mga kaibigan na walang kahiya-hiyang nilalantakan ang pagkain na inilibre sa kanya. “Mga patay-gutom!” aniya sa mga ito pero tumawa lang ang dalawa. “Maupo ka na. We know your peborit. Sa’yo na lahat ng sisig. Grabe, inilibre ka ni Chairman.” Ani Paz na subo nang subo ng kanin. “Bakit hindi mo bigyan nitong baon mong luto ni Tita Rebeks.” Anaman ni Emy. Napatingin si Mavi sa baon niyang Bicol Express. Specialty iyon ng namatay niyang Papa dahil purong Bicolano ang ama niya habang ang nanay naman niya ay Taga Cebu—isang mestisang ulikba—Cebuana pala. Saka bakit ba parang siya lang ang hindi nakakaalam ng tungkol kay Señor Chairman? Saka napansin niya, ang laki ng hawig ng lalaki kay Vander. Kung hindi blonde ang ex niya at hindi brown ang mga mata, aakalain niya sa biglang tingin na si Vander ay si Chairman—nang tumanda. Marahas siyang umiling. Kung sino sino na lang ang naiisip niya dahil sa gutom. “Sandali lang kayo rito. Bibigyan ko lang si Señor Chairman.” Agad na napatanga sa kanya ang dalawa, natigil sa pagsubo. “Seryoso ka? Paaamuyin mo siya ng bagoong?” napahagikhik si Paz at si Emy ay ganoon din. “Patitikimin mo ng bagoong mo?” anaman ng isa sabay nguso sa may puson niya. Anong bagoong ko? Akin naman talaga ang bagoong ko. Luto iyon ng Mama niya. “Oo, m-masarap naman ang bagoong ko.” Inamoy niya ang sariling tupperware at napapikit siya. Sino bang hindi nababanguhan sa bagoong? Hello! Ang mahal kaya no'n. Dati limampiso lang, ngayon bente na. Tinalikuran ni Mavi ang mga kaibigan at naglakad siya papunta sa mesa ng Chairman. Napakalayo ng inuukupa nitong mesa pero nasa sampung metro pa yatang layo niya ay tumingin na ito sa kanya. Ang palda. Everybody’s eyeing her and she could notice it in her peripheral. That’s not new. Uso doon ang simpleng bullying ng mga nakatataas na intern sa mga medyo hindi biniyayaan ng kayamanan. She stood in front of the chairman’s table, smiling at him. Natilihan ang babaeng kasama nito at mataman din siyang pinagmasdan. Well, if all the employees have nothing to offer except for the flashes of their cameras, she has something new to offer—karneng baboy na may bagoong, at siling labuyo. Mahal ang sili ngayon, one hundred eighty ang kilo kaya hindi nakakahiya ang ibibigay niya. Saka ano bang nakakahiya ay pagkain ‘yon. “Thank you po sa foods, Chairman. I want to share my bagoong." Bungisngis niya kahit na medyo naaalangan din siya. Ang kapal lang ng mukha niyang lumapit sa may-ari ng granite flooring na kinatatayuan niya. Umarko saglit ang kilay ng amo niya pero nakalahad na ang kanya at hindi na niya pwedeng bawiin pa. Hindi siya bigay bawi. Ang puri nga niya, ibinigay niya nang libre, hindi na niya binawi, bicol express lang ipagdadamot niya? Saka malay ba niya, magustuhan nito ang luto ng Mama niya, eh di bagong side line na naman iyon para sa kanilang mag-ina. “B-Bagoong?” curious na tanong ng Señor Chairman sa kanya pero natabingi ang ngiti niya. She noticed the accent. Tagalog ang salita pero British accent pa rin. Ngayon lang niya napagtanto ang tema ng pananalita nito dahil kanina ay tulala siya at nakanganga sa magaganda nitong mga mata. She never noticed the way how he speaks, until just this moment. Pilit niyang inalis iyon sa isip at tumango na lang. Sharks! Parang hindi siya humihinga sa pakiramdam niya. Nakakanerbyos palang makipag-usap sa isang chairman. “Yes po. My mother cooked this. If you’re not allergic to sea foods, you can eat this. This is bagoong or alamang. It’s clean po. I washed it and filtered it. My alamang is sooo clean.” Aniya pero humalakhak ito kaya nahiya siya sa buong sansinukuban. Diyos ko. Napalinga si Mavi sa paligid at kung pwede lang niyang takpan ang bibig ng chairman, ginawa na niya. Ano bang nakakatawa? “Really? Okay then. I’ll have a taste of your…alamang. Thank you, Miss del Valle.” Anito saka sinulyapan ang dibdib niya—name tag pala. Tumingin siya sa babaeng walang imik pero naman kung makahagod sa kanya ng titig ay sobra. Inilapag na ni Mavi ang tupperware. Lintik. Noon lang niya napansin na tupperware pala iyon ni Byron. May drawing pa iyong Lightning Macqueen sa dilaw na takip. Paborito kasi ng bata ang Cars kaya nang makakita siya sa Avalon brochure ay inorder niya. May kapartner iyon na hugis kotseng plato, tumbler at kutsara, saka tinidor. Malilintikan siya sa anak niya kapag nawala iyon. Hindi bale hahanapin na lang niya kay Batsoy mamayang uwian. “Ah, I’m sorry sir about the t-tupperware. It’s for kids." Aniya at kandautal pa pero tumango ito saka binuksan ang takip. Humalimuyak na ang walang kasing bangong ulam at biglang nalukot ang ilong ng kaharap nitong babae. “Oh my gosh. That’s stinky. It’s like a trash.” Hindi maipinta ang mukha ng babae. Naisip ni Mavi na baka asawa ito ng Chairman kaya pagpapasensyahan na niya. Alam naman niyang ni sa bangungot ay hindi pa ito nakakaamoy ng ganoon pwera na lang kung hindi ito maligo ng mga isang linggo. “I…I assure you it’s not trash po. My mother doesn’t cook pagpag. It’s fresh from the market but if you’re off to sea foods, then don’t try to eat it. You’ll be hospitalized. If you think it tastes good, you can contact me for orders. Financing department, intern. Thank you po. Esshuss me.” Aniya sabay talikod pero bitin na bitin ang paghinga niya. Susnaryosep. Inang mahabagin. Bakit habang tumatagal ay kamukha ni Vander at ni Byron ang Chairman? Hindi kaya ama ito ng lalaking iyon at lolo ito ng anak niya? Saglit siyang lumingon pero agad na napabawi nang makita niyang tinitikman na ng lalaki ang dala niya. It’s so impossible. Tumikim iyon ng dala ng isang intern? Hindi sila magkakilala pero nagtiwala iyon sa alindog niya? Paano kapag naadik iyon sa alamang niya? Paano na? Baka hanap-hanapin siya no'n. Ang pangit ng inani niyang titig sa lahat ng kababaihan pero taas noo siyang naglakad. What’s the matter, garter? Inggit lang malamang ang mga ito dahil malakas ang loob niyang lumapit. Wala maman siyang balak kumapit, negosyo lang ang kanya. Sa hirap ng buhay kahit pagbenta ng alamang niya ay gagawin niya—alamang pala ng nanay niya. Okay? Anong ginawa mo, Mavi? Tuwid siyang naupo sa silya. Para siyang estatwa at pinoproseso ang mga ginawa at sinabi niya sa Chairman nila. What a day?! She just talk to their Chairman just like that. Iintindihin niya kung bakit halos saksakin siya sa titig ng mga kababaihan doon. Kung may nakabungisngis man, iyon ay sina Emy at Paz, ang tunay niyang mga kaibigan na suportado siya sa lahat ng kalokohan. Okay. Kalma. Huminga siya nang malalim at nakihinga rin ang dalawa. “Okay lang ‘yan.” Ani Emy saka siya hinagod sa likod. “Isipin mo na lang na taong grasa lang ang inalok mo ng expensive Bicol Express at hindi si Chairman Cibrian.” Napakamot na lang siya sa ulo. Tinamaan din siya ng hiya matapos niyang gawin ang bagay na ‘yon. No one will ever talk and deal with the Chairman of Cibrian Pillar like that, only Mavi. Yes, only me. 7 For Jesus' sake. Kanina pa nag mamaktol si Beatrice sa harap ni Strike pero hindi niya ito pinapansin. He’s too busy to waste his time. May flight pa siya papuntang Ilocos ngayong alas kwatro ng hapon. He’s hurrying. He can’t miss that flight. He was personally asked to use his private plane, and fly it for Senator Romulus and his family. He doesn’t needed money but he loves to fly his planes. He finds peace and he feels relaxed when he does it. “Oh my, Strike. I’ve been here for almost three hours now yet you keep on ignoring me. Mas mabuti pa ang mabahong tupperware na 'yan at nabitbit mo rito.” Litanya pa ni Beatrice sa kanya pero sanay na siya rito. She rants when she doesn’t get what she wants. Napasulyap si Strike sa tupperware na nasa ibabaw ng mesa niya. That woman is bubbly. He likes her personality. Gusto niya ang mga ganoong masayahin na tao dahil ang mga kasama niya noon sa buhay ay mga istrikto at mga seryoso. “Look how awful the smell of your office is. Yucks.” Ani pa ni Beatrice pero hindi niya pa rin ito pinansin. He loves that Bicol Express. He had tasted it once when he went to Calaguas Island but what Miss del Valle gave him was more delicious. Hindi niya alam kung bakit magkaiba ang lasa o baka dahil matagal na siyang hindi nakatikim no'n. “I better leave now." The woman tiredly said. “Bye, Bea. Take care.” Ani lang ni Strike habang nakatuon na siya ulit sa ginagawa. Wala siyang narinig na sagot kung hindi ang mabibigat na tunog ng sapatos nito sa sahig at kapagkuwan ay ang malakas na tunog ng pinto niya. He looked at the door and smirked. Spoiled brat. He signed a couple of papers and finally he’s done. Sinadya niyang huwag sabihin kay Beatrice na matatapos na siya. Babawi na lang siya sa isang araw. Hindi pa naman iyon babalik sa Ireland dahil nagbabakasyon din nga, tulad niya. Strike put his pen on the holder and stood up. He grabbed his coat but his phone rang. Tiningnan na muna niya ang tumatawag at ang ama niya iyon. “Pa,” “Strike, tell me what the hell Vander is up to. For demon's sake. Do you guys really don’t evolve? This friend of mine just told me, take note, just told me that he slept in their house and had a night stand with his granddaughter.” Medyo mataas ang tono nito at madiin ang salita. Tyron is upset but he doesn’t care. “Pa, Vander is a consenting adult. He’s not Kuya Donavan’s little boy anymore. He’s already twenty-five, if I may remind you. He could have s*x if he wants and enjoy his bachelor life. And don’t be upset with your own kind. It runs in the blood.” Prangkang sabi niya sa ama. “Strike!” maagap na saway nito pero nailing lang siya. Totoo naman iyon. Babaero ito at babaero ang lahat ng ninuno niya. Bakit pa ito magtataka? Ito nga kahit na matanda na ay hindi napag-aralan na mag-evolve. What is his father expecting from them, especially to his beloved grandson? Mas concern pa nga ito parati kay Vander kaysa sa kanya. Pabor naman iyon sa kanya dahil malaya niyang nagagawa ang gusto. But his dad is just a bit unfair. When his nephew makes stupid things, he’s involve. Gusto nitong magpakaama siya sa hindi naman niya anak pero nakakatawa dahil halos hindi naman nga ito nagpakaama sa kanya. The first and last time he talked about his mother and his father’s relationship with her, Tyron just blew up the horns. Sa kanya naman daw nito ipinamana ang lahat, ano pa raw ang reklamo niya? He just let it go and as of now, maayos naman sila ng ama niya. Sa sobrang ayos ay halos hindi na siya nito pinakikialaman. “Huwag mong ibabaling sa akin ang usapan. Ang sinasabi ko, did you give that young man consent? Are you tolerating him?” Strike sighed. “He asked for p*****s; I gave him pussies.” “Jesus. And you’re proud to say that.” “Pa,” pagod na sagot niya. “Will you please excuse me? I have a flight. Hayaaan mo na si Vander sa gusto niya. Believe me he’ll mature when he finds the right woman for him. Bye, Pa." Aniya at handa ng kaselahin ang tawag pero umere pa ito sa kabilang linya. “You have flight? Why is that? I thought you’re here for only a couple of months to spend it at Cibrian Pillar, piloting isn’t in your itinerary.” “Well, sorry to inform you that piloting will always be in my itinerary. I love to fly if you knew that. I was only ten when I started flying my plane, right?” and his father perhaps forgotten that thing because he was always absent during his adolescent years. “Is this commercial or what?” “Private. Senator Romulus and his family.” Maikling sagot niya. “and I gotta go, Pa. Bye.” Aniya sa ama at umungol lang naman ito bilang sagot. He ended the call and fixed himself. Kasisilid pa lang naman niya ng smartphone sa bulsa ay bumukas naman ang pinto niya nang walang pakundangan at iniluwan ang lalaking laman ng usapan nilang mag-ama. Vander's smiling ear to ear. That’s very usual anyway. Parati itong nakabungisngis. Lahat ng ngitian nitong babae, naiuuwi nito. Siya, iba't iba ang ngiti niya sa tao, depende sa kaharap niya. “Leaving too soon, Uncle? I just arrived.” Anito sa kanya kaya halos hindi niya pansinsin. “Busy. I have a flight." “7th heaven or real flight?” naupo ito sa sofa, maaliwalas pa kaysa sa normal ang mukha. “Real flight.” He said, grabbing the key of his Kawasaki Ninja H2r. Mahal na mahal niya ang motor niyang iyon dahil special pa ang pagkakagawa no’n para sa kanya. He had chosen the white accents and it’s not repainted. It was real, made only for him. He had to pay extra five thousand US Dollars just to achieve his chosen design, kumbaga sa cake ay personalized but the manufacturer just asked him to endorse it. Syempre naka-full-face helmet siya at initials ang nasa advertising campaigns. Under his trade name, TSC was the title, Most Influential Business Tycoon of Year 2018. “Yayayain sana kita sa bar ng best friend ko noong high school ako. Nag-invest ako, Uncle.” “It’s okay. It’s your money. Just make sure that the contract is clear and you have your black and white copy. Kahit best friend mo ang kasosyo mo, dapat pasiguro ka sa sarili mo.” “I did.” Ngumiti ito sa kanya kaya tumango siya. “Just enjoy. I’ll go next time.” Naglakad na si Strike at tinapik sa balikat ang pamangkin nang magtapatan sila. Nakatayo na rin ito sa harap niya pero bigla itong napakamot sa panga kaya naman napakunot noo siya. Kapag ganito si Vander, alam niyang may gusto itong sabihin na hindi masabi. And it will take a lot of effort to convince this man to speak up. Inalog niya ang pamangkin sa balikat. Para kasi itong lutang na nakatulala at nakangiti nang kaunti, ibang ngiti, hindi ngiti ng babaerong Vander Helios Coleman. “Are you okay?” “She’s pretty. She’s cute.” Anito sabay iling kaya napahalakhak siya. Babae lang pala ang iniisip nito. “Who? The woman you’ve bedded last night? Katatawag lang ni Papa. He’s upset because you bedded his friend’s granddaughter.” Umiling ito at parang tanga na namumula. Really? What the f**k? Nagba-blush din pala ito. Dapat na ba siyang magpafiesta dahil parang nakakita na ito ng babaeng seseryosohin sa buhay? Isa iyong malaking himala. “Not that woman. She’s just a plaything. She loves my game but I saw this girl, a girl from my past and she has a different effect on me…I…I…don’t know. I never felt this before but I saw her at the Mall. She's…” para itong lito na hindi maintindihan. “S-She's special.” “Ipapakasal ko kayo." Ani na lang niya sabay layas niya pero agad siyang pumihit nang tila may maalala. He walked back to his table and grabbed his tupperware of Bicol Express. Dumaan siya sa harap ni Vander at literal na nalukot ang mukha nito nang maamoy ang dala niya. “Jesus f**k! That’s kinda stinky.” Ang sama ng tingin nito sa dala niya pero ngumisi lang siya. “Well, I could probably say that the girl who gave this smells so nice." He chuckled sexily. “You have a girl? As in girl, Uncle? And she gave that stupid stinky s**t? Kidding me right?” “Kidding you wrong." Naningkit ang mga mata niya sa pagngiti. “She’s cute, too. Hindi lang ikaw ang may bata, me, too.” He c****d his brows and turned his back. Biro lang naman ‘yon para mabasawan ang tensyon ng pamangkin niya. Kung sino man ang babaeng tinutukoy ni Vander, malaki ang epekto no'n dito. The fact that he almost stammered is a good sign that finally, a woman had gotten into his nerves. Thank God. Sana nga ay tumino na ito. But he has to pray for himself as well. Isa rin naman siyang kapag may nakabangga na babae, sisige na lang nang sisige. And he doesn’t force a woman. Tulad ni Vander, ang mga babae niya ay iyong mga tipo rin ng babaeng gusto ng laro niya. Say hello today and goodbye later. Sumabay na rin si Vander sa paglabas sa kanya kaya naman ngayon ay para silang mga walking Greek gods sa loob ng Pillar. One is blue-eyed Chairman and one is brown-eyed aircraft mechanic. “Uncle…” ani Vander sa tabi niya nang pumasok sila sa elevator. “What if you…impregnated a woman from your past and you denied the kid. What will you do?” Maang na tumingin si Strike rito sa repleksyon ng salamin. Nagtataka siya kung paano iyon naitanong ni Vander sa kanya. Ilang taon na silang nagsasama sa buhay pero ni minsan ay hindi pa nila napag-usapan ang mga bagay na seryoso. He just ignores what he saw and answered casually. “Repent, ask for forgiveness and stay in the picture with all my might. But if I will aim for the mother’s heart, that’s trouble.” Aniya na may kasamang ngiti. Nababagabag ito at pansin niya iyon sa mga mata ni Vander. Mukhang mahihirapan itong magseryoso lalo na kung sarili nito ang tinutukoy. “Remember the child. It’s easy to mold a baby but hard to become and act as the biological father, Vander. If I were that man, I better start coping up with the times I wasn’t around.” Tapik niya sa balikat nito saka siya humakbang papalabas ng lift. “Walang Cibrian na duwag.” Aniya saka rito kumindat. Hindi Cibrian ang dala nitong apelyido dahil hindi pinayagan ng lolo niya ang ama niya na ipadala ang apelyido nila sa anak sa labas ng tatay niya, kaya ang apelyido ng Kuya Donavan niya ay Coleman, at Coleman din si Vander, pero para sa kanya, Cibrian pa rin ito, sariling dugo at laman ng lahi niya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD