Humaba ang leeg ni Mavi nang mapansin na parang ibang direksyon ang tinutumbok ng limousine na sinasakyan nila. Hindi iyon papunta sa condo kung saan sila naglalagi. Bago sila pumasok sa gate na may arko ay tumigil ang sasakyan, nag-spray sa kabuuan ng limo. "Nak, ito ba ang Villa?" "Yes, Mom." Nakangiting sagot ni Byron, parang excited. "Ma, bakit dito tayo dinala?" Baling naman niya sa ina na kandahaba rin ang leeg. "Aba ewan ko kay Sherman mo. Baka gusto ay dito ka na. Kita mo naman ang bodyguards na nakabuntot sa atin, too many to counting." Oo. Dalawang kotse ang nasa likod nila at isa sa harapan. Pinadalhan siya ng sangkatutak na tauhan pero hindi naman siya sinundo. Magkaaway pa rin yata silang dalawa kasi hindi siya no'n pinuntahan sa ospital. Hmp. Care ko sa kanya. Basta s