"Hindi ko kayang magpaalam sa'yo, anak. Hindi ko kayang mawala ka. Ikaw lang ang meron ako sa mundong ito at kahit wala akong maging asawa basta nandito ka, masaya ang buhay." Humahagulhol si Mavi ng iyak habang pinagmamasdan ang mukha ng anak niya. Hindi ko kaya… “Ma'am!” ipinitik ng nurse ang daliri sa tapat ng mukha niya kaya nawala ang atensyon niya sa isang bababeng umiiyak, yakap ang paa ng isang taong parang patay na. “P-Po?” sisigok-sigok siya. Wala siyang naintindihan sa sinabi ng babae basta ang sabi nito wala na si Byron. Ano bang nangyayari sa kanya? Para siyang nasa bangungot—binabangungot siya nang gising. “Sabi ko ho, wala na po ang baby niyo rito. Kinuha ho siya ng isang lalaki.” “Ha?” nakatanga siya at nakatunganga na naman sa ale na halos maglupasay sa sahig. Naiy