NASA kalagitnaan ng biyahe ang grupo nina Luis Falcon nang biglang tumigil ang sasakyang gamit nila. “What’s the matter with you?” tanong ng isa sa driver. “’Tol, hindi ka naman siguro bulag. Look in front of us,” inis na sagot ng driver. “Sh*t! This can’t be!” gigil na mura ni Luis Falcon nang mapansin ang mga kapulisan at kasundaluan na nakabantay sa checkpoint. “Boss, tumigil din sila sa kabila,” sabi naman ng driver. “Magmasid ka lang at gawin ang tama,” ngitngit ni Luis. Hindi naman sa galit siya dito pero naiinis lamang siya dahil paano nalaman ng mga pulis ang tungkol sa pagdaan nila doon? “Boss, huwag kang mag-alala, kayang-kaya nating lusutan ’yan. Kinaya na nga natin ang mga mas malala pa diyan, eh. Hold your breath, boss,” pukaw ng driver sa amo niyang halatang kabado na