HINDI nagsayang ng oras ang mga lalaking nakasuot ng itim. Agad silang pumasok sa silid kung saan naroon si Falcon. “Boss, kayo pala. Salamat naman at nakadalaw kayo dito,” malawak ang ngiting ani Falcon nang makita ang mga pumasok sa silid na inookupa niya. “Kumusta ka na, Randy? Mukhang hindi mo magawa-gawa, ah. You let us believed na napatay n’yo siya ilang buwan na ang nakakaraan, pero ano itong nabalitaan kong buhay pa siya at ang masaklap ay ang l*bog n’yo ng mga kasamahan mo ang inuuna n’yo?” palakad-lakad na sabi ng lalaki habang nakatanaw sa labas ng bintana. “Boss?” bakas ang pangamba sa boses ni Falcon. “You’re such a looser, Randy, don’t you know that? Paano, ang yabang mo samantalang wala ka pa namang napapatunayan. Puro ka lang salita, puro yabang, pero hanggang ngayo’y w