Chapter 4
KAYLA’S POV
“Pumapayag na ako,”
Wait, what?
Pumapayag siya?
Ganun kadali?
I mean, kahit na rin ako nabigla at hindi inaasahan na sasabihin iyon ni Aris,
Hindi man lang siya nag hesistat at nag dalawang isip sa kanyang desisyon na ganun siya kabilis na pumayag.
Kung ako naman nabigla, kabaliktaran naman ang naramdaman ng kaibigan kong loka-loka. Kulang na lang mag tatalon na ito sa tuwa, na naka jackpot sa lotto.
“Pumapayag kana? Oh thank god naman kung ganun, Aris.” Hagikhik ni Claudine na para na siyang bulate na kinikilig at nabunutan ng tinik sa dibdib dahil hindi siya mamromroblema pa sa problema ko. Aba ang gaga! Tuwang-tuwa.
Pasadya pa siyang lumapit kay Aris para lang ishakehands ito, na as if close silang dalawa. “Maraming salamat naman at pumayag ka na buntisan ang kaibigan kong ito Aris, at baka hanggang ngayon na stress pati bolbolarium ko, na hanapan lang itong si Kayla na lalaking buntisan lang siya.” Tinignan ko ng matalim matalim si Claudine, langyang babaeng ito. Wala man lang filter ang bibig.
Sinabi niya pa talaga iyon sa harapan ni Aris, kaloka.
“Kong okay na sa’yo ang terms at conditions pwede mo ng pirmahan diyan sa pinaka baba ng agreement.” Tinuro pa ni Claudine kay Aris sa ipad kung saan siya mismo pipirma at sinunod naman neto ang pinapagawa.
Nag explain pa si Claudine na nakasaad sa terms at condition sa contract at nakikinig lang si Aris at napapa tango pa ng kanyang ulo. Nang matapos maipaliwanag ni Claudine ang lahat-lahat, kinuha na ang ipad kay Aris samantala naman ako napaka-cross arms na lang.
“Anong gusto mong kondesisyonis kapalit matapos ang contract natin?” Walang paligoy-ligoy kung tanong. “Cars, House? Luxurious things, property? Name it? Para mapa asikaso ko na kaagad sa secretary ko.” Diretsa kong tanong, para naman hindi na ako mabigla kung sakali na sabihin niya ang kondesisyonis niya kapalit para buntisan lang ako.
Pumayag na siya kaya’t wala na itong atrasan pa.
Gusto ko ng malaman kung ano ang gusto niyang kapalit dahil kung ako ang tatanungin, gusto ko na rin matapos ito para hindi na ako kulitin pa ni Lolo.
Isa pa rin nag papasakit ng ulo ko dahil ilang linggo na lang ang natitirang palugit niya sa akin.
Tumango-tango lang si Aris, kalmado lang siya. “Hindi ko kailangan ng bahay, sasakyan at mga mamahalin na mga bagay, babes.” Nakasalubong na lang ang kilay ko . Anong pinapalabas ng mokong na ito?
Kong hindi iyon ang gusto niya, kundi ano?
Sabi na eh, mayron siyang ibang gusto at binabalak. Duda na talaga ako.
Sumandal na lang si Aris sa silya, na para bang bahay niya ito kung paano siya umastang umupo roon. “Pagkatapos ng agreement natin, simple lang ang gusto ko babes. Five hundred thousand, that’s all.” Casual niyang salita.
Seriously iyon lang ang gusto niya, kalahating million lang?
Wala ng iba?
I mean, ini- expect ko talaga na mataas pa sa sampung million ang halaga ang gusto niya pero kalahating million?
Hindi kaya medyo maliit iyon?
Kung ibang lalaki, sasamantalahin na ang pag kakataon na ito na hihinggi ng sobra-sobrang pera kagaya ng ilang million o kaya naman mga mamahalin na mga bagay, bahay at kung ano-ano pa.
Tapos ang lalaking ito, kalahating million lang ang gusto?
Unbelievable.
“Okay. Makukuha mo lang ang kalahating million kapag nabuntisan mo na ako, siguro aware ka naman doon dahil naka sulat iyon sa contract.” Wika ko pa. “Napaliwanag naman siguro sa’yo ni Claudine kanina lahat-lahat ng mga dapat mong malaman sa agreement natin, pwede mong balikan kung may naka-ligtaan ka. Ise-send ko sa’yo para may copy ka na pwede mo basahin.. So, may mga katanungan ka pa ba?”
Tumaas na lang ang kilay ko, na tinaas ng dahan-dahan ni Aris ang kamay niya sa ire.
“Yes? May katanungan ka pa ba?” Pag susungit ko na hindi ko gusto ang pagiging presko niya. Naalibadbaran talaga ako.
“Oo, may isa pa akong katanungan babes,” ngumingiti-ngiti na salaysay ni Aris. Ano na naman ang nginingiti ng mokong na ito? “Kaylan natin sisimulan?” Lumitaw ang pilyong ngisi sa labi niya na pakiramdam ko uminit na lang ang pisngi ko, hindi sa pinapamulahan ako sa sinasabi niya kundi sa inis.
Kaasar.
Bakit, nag sisimula na akong mainis sakanya?
STILL KAYLA’S POV
Napa ingos na lang ako sa pag kakahiga na marinig ang paulit-ulit na pag vibrate ng cellphone ko sa table.
Ano ba iyan?
Sino ang nag istorbo sa akin ng ganito kaaga?
Sinubsob ko ang mukha ko sa unan, na patuloy pa rin iyon na nag vibrate na walang katapusan na lalo lang akong naiinis. Iritadong kinapa ko ang cellphone ko para patigilin para makapag patuloy ako sa pag tulog.
Nang makuha ko ang cellphone ko, sinagot ko ang tawag na hindi tinitignan kung sino ang puncho-pilato na nag istorbo sa akin umagang-umaga.
“What?” Medyo pasinghal kong asik kung sino man iyon. God, hindi ba nila alam na nag papahingga ang tao?
“Mam Kayla.” Parang nawalan ang antok ko na mabosesan ang secretary ko sa kabilang linya. “Papunta na po kayo dito Mam Kayla? Kanina pa kasi nag hihintay si Mr. Batac dito sa office para sa 9am na meeting niyo.” Tinignan ko muli ang id caller, napa mura na lang ako sa utak ko na makita ang 20 missed call mula sa secretary ko.
Doon lang sumagi sa isipan ko na mayron pa la akong appointment ngayong araw.
Kayla naman, saan na napadpad ang utak mo?
“Tangina naman oh!” Mura ko ulet na makita na 9:25 na ng umaga.
“Po Mam?” Gulat na tono ng secretary ko sa bigla kong pag mura, hindi sakanya kundi tinanghali ako ng gising.
“I mean, kausapin mo na lang si Mr. Batac at sabihin mong papunta na ako diyan.” Hindi ko na hinintay pang maka sagot ang secretary ko nang kumaripas na akong kumilos. Binalibag ko na ang cellphone ko, hindi ko na inisip kong masira man iyon sa malakas na pag tapon ko.
Bahala na, ang importante maabutan ko ang napaka mahalagang client.
Dali-dali na akong kumilos, dumiretso na ako kaagad sa banyo para makapag hilamos at mag sipilyo. Hinubad ko na ang pajama na pantulog na suot ko at hinayaan na lang iyon na maiwan iyon sa sahig, mamaya ko na lang liligpitin iyon pa uwi ko.
Late na talaga ako.
Dinoble ko na ang kilos at galaw ko, binuksan ko na ang closet para makapag pili ng maayos na damit. Mamaya na ako maliligo, at mag aayos dahil importante ang maka punta kaagad ako sa kompaniya.
Ilang linggo ko na nililigawan ang mahalagang investors na si Mr. Batac para sa appointment namin na meeting ngayon, mabuti na lang naka- kuha ako kaagad ng available na araw para makapag meeting sakanya dahil fully schedule na siya sa darating na mga araw at buwan.
Para na akong hinahabol ng oras, na kumikilos na napapa mura na lang ako dahil tinanghali na ako ng gising.
Kasalanan kasi ng alarm clock na iyon, hindi ma lang tumunog at heto tinanghali na ako ng gising.
Kaasar.
Mamaya pag uwi ko, papalitan ko na talaga ang leche na alarm clock na iyon.
Sinuot ko na ang napili kong damit samantala naman ang kamay ko sinusuot ang mataas na takong na kamuntik na akong matumba sa pag mamadali na hinahabol ang oras.
Doblehin ko man ang kilos at galaw ko, panigurado hindi rin pa din ako makakaabot at hindi mababago na late na makakarating.
Nang matapos masuot ang mataas na takong, kinuha ko na ang cellphone na binalibag ko kanina kasabay ang car keys at itim na gucci bag para maka alis na.
Malalaki na ang hakbang kong tinatahak palabas ng condo ko at hindi ko na pinansin ang magulo kong buhok at walang ayos-ayos.
Sa sasakyan na ako mag aayos sa sarili at mag lalagay ng make-up, kaya ko naman pag sabayin habang nag mamaneho.
Yea, kaya iyon.
Lakad-takbo na ang aking ginaawa na nag lalakad sa hallway, nilalampasan na ang bawat unit sa floor.
Binuksan ko na ang gucci bag ko at pinasok ag kamay ko sa loob para kalkalim ang malagang bagay na gagamitin mamaya sa meeting. Mas mabuti pang maka sigurado habang narito pa ako sa building kaysa naroon na ako sa kompaniya, para siguraduhin na wala lang akong makaka-limutan.
Habang nag lalakad naka pako naman ang mata ko sa bag, tinutulungan na hanapin ang flashdrive.
Asan na ba kasi iyon?
Kinapa ko pa ulit sa loob, na mahawakan ko ang foundation, cellphone, car keys at keys sa condo ngunit wala ang flashdrive.
Pinag halong frustrate ang naramdaman ko na hindi ko mahanap sa loob ng gucci bag.
Natigil ako sa pag lalakad ng may humarang sa harapan ko.
“Good morning babes,l” ang matamis na pag bati ni Aris na ang kina busangot ko naman. Umakyat ang dugo ko sa ulo ng makita ko na naman ang mokong na ito.
"Mukhang tinanghali ka ata ng gising ngayon,"
"Hindi ba halata?" Pag susungit ko na lalampasan sana ito, na kaagad na humarang si Aris sa dinaraanan ko kaya napahinto naman ako kaagad.
Ano bang kailangan niya?
Tinignan ko ng matalim si Aris, iyong tipong may pag babanta na umalis siya sa harapan ko, aba ang loko hindi man lang nasindak.
Wala akong panahon sakanya.
"Baka pwede tayo mag usap saglit, babes?" Pakamot-kamot sa ulo at nahihiya pa na sabihin iyon sa akin.
"Ang kulit mo naman Aris, huwag ngayon at nag mamadali ako." Ang tinig ko nanatiling mahina at kalmado. Ayaw kong masira ang araw ko sa pangungulit niya sa akin.
Tumingin ako sa relo at gumagalaw ang segundo, kating-kati na ang paa kong umalis pero si Aris nangungulit pa rin.
Dadaan ako sa kabilang side ni Aris, na humarang na naman ito na ayaw akong padaanin na kina-lalim naman kaagad ng aking pag buntong-hininga ko.
Kumalma ka lang Kayla.
Kumalma ka.
“Isang minuto lang, babes sige na pag bigyan mo na ako.” Parang bata na nakikiusap.
"Aris!" Napipikon na ako sa kanya. Ngayon pa talaga siya sasabay na ngayon, nag mamadali ako? Bwisit naman kasi eh. “Ano bang sasabihin mo, at para naman maka alis na ako, Aris." Pag susuko dahil panigurado hindi niya naman ako tatantanan hangga't hindi nito nakukuha ang gusto niya.
“Kaylan ba natin, gagawin?”
“Ang alin?” Taka kong wika, hindi ko alam kong ano ang ibig niyang sabihin o hindi ko lang siya maintindihan dahil kay Mr. Batac na ang isip ko ngayon.
“Alam mo na, iyon babes.” Tinaas-baba niya ang kilay na para bang nag lalaro. Wala akong panahon para sa kalokohan niya. “Kaylan ba natin gagawin? Pwede ako ngayon o kung hindi ka pwede mamayang gabi, simulan na natin.”
Kumulo na lang ang dugo ko na makuha ang ibig niyang sabihin. Leche, kukulitin niya lang ako para sa bagay na iyan?
“Marami akong gagawin ngayon Aris, baka bukas o kaya naman sa susunod na araw.” Patapos kong pag uusap at kumilos na akong dumaan sa kabila niyang gilid para iwan na siya, ngunit humarang na naman siya. Pigil-hininga na tumingin sakanya, na pikon na pikon na.
“Hindi ako pwede na ganung araw babes, busy ako sa trabaho. Kong hindi ka busy, pwede natin isinggit mamayang gabi, ano game ka?” Abot langit na ang ngiti sa kanyang labi.
“Umalis ka nga sa harapan ko, umagang-umaga binu-bwisit mo naman ako.” Iritado kong saad. “Itetext na lang kita kung kaylan.”
“Paano iyan, wala naman akong number sa’yo, paano ko malalaman kung kailan natin gagawin?” Inosente niyang tanong na mabigat na lang ako nag pakawala ng malalim na buntong-hininga.
“Edi, susulatan kita.” Sagot ko naman pabalik na binilisan ko ang kilos ko kaya ayun, shoot naka daan ako sa kabilang gilid niya.
Tuloy-tuloy ako nag lakad ng mabilis at ramdam ko naman ang pag sunod sa akin ni Aris. Ang pag tawag at yabag niya ng paa na naka sunod sa akin, ang mag pawala ng pasensiya ko.
“Babes.” Tawag niya na naman muli at pinikit ko ang mata ko.
“Ano na naman ba, Aris?” Bulyaw kong asik, sa pag kakataon na ito, nasagad niya na ang galit ko. “Hindi ka ba titigil? Isa pa, uupakan na talaga kita.” ambang susuntukin ko ito nang hinarang ni Aris ang isang pirasong saging na lakatan sa mukha ko, galing sa nakatago sa bulsa nito.
Lintik nang.
Natigilan at nawala ang inis na naramdaman ko, aba dapat sa mukha niya tatama ang kamao ko dapat pero hinarang niya ang lakatan.
Saging na naman, opo.
“Babes, ito oh almusal mo baka hindi ka pa kumakain.” Ngumiti ito ng matamis na kina-init naman ng mukha ko, na ang sarap-sarap niyang tirisin talaga.
Anak naman ng tokwa
Ilan bang saging ang kasya sa bulsa niya, na parati niyang tinatago doon?
Kinuha ni Aris ang kamay ko at hindi man lang ako umanggal. Nilagay doon ang isang pirasong saging na lakatan na wala akong magawa kundi tanggapin ata iyon. “Ubusin mo ito babes ha? Ayaw ko kasing nagugutom ka.” Kumindat pa siya sa akin na maduwal na lang ako. Akala niya naman, kina-guwapo niya.
Oo, aaminin kong gwapo siya pero hindi ko siya type.
Naiinis ako sakanya.
“Aris,” ang matinis na boses ng babae ang mag paagaw pareho ng atensyon namin ni Aris.
Kaagad naman namin kina-lingon at nakita ko si Sheena, naka tayo sa tapat ng pinto ng kanyang unit. Tanging suot ang maong short shorts at sleeveless na pink top na kulang na lang lumuwa na ang malaking cocomelon niyang dibdib.
Lumitaw ang natural na makinis at maputi na balat ni Sheena, na sakanyang maikli at sexy na damit kumukurba ang maganda niyang katawan na kahit sinong lalaki, mauulol kung ganiyan na babae ang ihahain sa’yo na kulang na lang hindi na mag suot sa kulang na mga tela na parating sinusuot.
Maganda si Sheena, mahaba ang buhok na may pag ka hazel nut ang kulay na hanggang likod ang haba. Parating nag lalagay ng make-up at putok-putok kapula ang nilalagay na lipstik parati.
Sa tantya at pag obserba nasa mid 26 na si Sheena at anim na buwan pa lang ito simula na mag lipat dito.
Hindi naman ako bulag sa mga nakikita ko kahit abala ako sa trabaho sa kompaniya at mga meetings kung saan-saan, nakikita kong iba-ibang lalaki ang kasama ni Sheena. Kapag may matipuhan at target siya na mga lalaki, kaagad siyang nag papa- cute at nag papansin.
“Ang tagal-tagal mo naman, akala ko ba tutulungan mo ako sa pagbubuhat nitong mga karton papasok sa room ko, Baby Aris?” Pinalandi at paglalambing niyang tono na , kulang na lang kilabutan ako.
“Oo, sandali lang at susunod na lang ako.” Sagot nman pabalik ni Aris, na pangiti-ngiti pa sa haliparot na iyon. Masayang-masaya?
Sinamaan ko ng tingin si Sheena na hindi na makapag hintay sa isang tabi na mapansin siya ni Aris.
Ang sarap dukwatin ng mata ng babaeng ito, nakakapanginig talaga ng laman.
Binalik ang tingin sa akin ni Aris at hindi naalis ang maka-hulugang ngiti sa labi. “Ang talim naman ng titig mo sa akin, babes.. Nag seselos ka ba na nag papatulong sa akin si Sheena?"
Napa buga na lang ako ng hangin, hindi ko alam kung matutuwa o maiinis ako sa sinabi niya. Ang kapal!
Ako, mag seselos sa haliparot na iyan?
No way!
Naiirata kamo.
“Hindi ah! Ang kapal naman ng mukha mo." Pinandilatan ko ng mata at hindi pa rin mawala-wala sa labi ang ngiti na kina-iinisan ko pa lalo.
“Huwag kang mag alala babes, kahit dikit ng dikit man sa akin ang ibang babae hindi ko sila papansinin dahil ikaw lang ang babaeng gusto ko.” Pwede na ba mag collapse? Ang corny eh. “Kumbaga, sa’yo lang tatayo ang saging ko.” Pinisil niyang hinawakan ang baba ko, na kina pula naman ng mukha ko sa sinabi neto.
Aba tarantado talaga ang lalaking ito!
Bago ko pa maibuka ang bibig ko para para sagutin siya na tinalikuran niya na ako. Cool na nag lakad si Aris na nilapitan si Sheena.
Tiim-baga na pinapanuod ko na lang silang dalawa sa may pinto hanggang binuhat ni Aris ang katamtaman na kahon habang nag uusap ang dalawa. “Halika na sa loob Baby Aris, ipag gagawa kita ng masarap na meryenda. Mukhang pagod na pagod kana.” Pasadyang hinawakan ni Sheena ang matigas na braso ni Aris na animo’y nag aakit.
Pumasok na ang dalawa sa loob ng unit ni Sheena at sinarhan ang pinto samantala naman ako, hindi ko na namalayan na naka-kuyom na pala ng mahigpit ang aking kamao sa galit.
“Bwisit ka talaga, Aris! Bwisit!" Inis kong sinuklay ang buhok ko gamit ang aking palad at nang hindi na ako makapa timpi pa nag martsa na ako paalis na para bang nag hahamon ng away. “Nakaka-inis ka talagang lalaki ka. Ugh.” Matinis kong asik kasunod kong pag hingga.
Nakaka ilang hakbang pa lang ako, napa tigil ako sa paglalakad at wala sa sailing napa tingin sa kaliwa kong kamay, na ngayon na murder ko an sa kamay ko ang binigay ni Aris na saging at ngayon nadurog na nga iyon sa labis na galit at pang gigigil ko kung ano man ang nasaksihan ko kanina, na mag kasama silang dalawa.
****
Maririnig mo ang tunog ng mataas na black high heels habang nag lalakad ako sa hallway, kusang humihinto para batiin ako ng mga empleyado na maka salubong o madaanan ko sila.
Dire-diretso akong nag lalakad, na kaagad ko naman naabutan sa station ang secretary ni Lolo na si Zsa Zsa.
“Good afternoon po Mam Kayla.”
“Good afternoon,” bati ko pabalik na excited na ako na ibigay kay Lolo ang dala kong pasalubong. Papasok na sana ako sa loob ng Opisina niya na kaagad naman nag salita ang secretary.
“Sandali po Mam wala po si Sir.” Napa hinto naman ako at nagulat sa sinabi niya.
“Wala si Lolo?”
“Hindi po siya pumasok ngayon Mam Kayla,” Weird ata na wala siya ngayon dito sa Opisina.
Most of the time, bihira lang si Lolo pumunta dito sa Opisina para mag attend ng important meeting o kaya naman mag review ng mga documents na kailangan niyang basahin o pirmahan.
Kinuha ko ang phone at subukan na tawagan si Lolo kagaya pa rin ng dati, hindi niya pa rin sinasagot ang mga text at tawag ko sakanya na para bang iniiwasan niya ako.
“Maraming salamat.” Ngumiti na lang ako ng tipid at dumiretso na ako sa Opisina ko para tapusin ang mga dapat kung gawin bago ako umuwi.
Nang lahat na maayos, kinuha ko na ang mga important things ko at umalis na ng company.
Sumakay na ako sa sasakyan ko at nag drive na ako hindi diretso sa unit ko kundi pumunta sa bahay. Ilang minuto lang naman na byahe makakarating kana kaagad pero mas madali pa rin talaga ang location ng unit ko.
Kung hindi ka naman inaabutan ng malas at rush hour, maipit ka talaga sa mahaba at nakaka bagot na traffic.
Madilim na ng nakarating na ako sa bahay, mayron na tatlong palapag ang bahay ni Lolo na napakalaki at mayron rin na malaking garden sa labas.
May malaki rin na bakod at gate, na surrounded rin ng mga cctv camera’s na mahihirapan na pasukin iyon ng kahit na sino.
Naka bukas ang ilaw sa labas o loob ng Mansyon kaya’t niliko ko na ang kotse ko para pumasok na sa loob na alam na iyon ng guard ang kanyang task kapag may papasok at lalabas, bubuksan niya ang gate. Hindi ko na naituloy, ang pag mamaneho ko na malapit na ako sa gate, nakasarado na para bang hindi ako allowed pumasok.
Nag busina ako nang paulit-ulit just to signal, them na pag buksan ako ng gate. Pinindot ko ulit ang busina, wala pa rin.
Pumindot ako ng dalawang beses, walang kumikilos, walang gumagalaw na pag buksan ako.
Tinodo ko na ang pag hampas ko ng manibela para bumisina lang nang paulit-ulit pero walang nangyari, nasa labas pa rin ako. Nang mapagod na ako, iritable akong lumabas ng sasakyan.
Padabog ko pang sinarhan iyon, para ipakita sakanilang lahat kung paano ako naiinis na hindi nagustuhan ang ginagawa nila sa akin. The heck, may ari ako ng pamamahay na ito at hindi man lang nila ako papasukin?
Humanda talaga sila sa akin.
Nag martsa na ako papunta sa gate na naroon naman ang guard na naka tayo lang at walang balak na pag buksan ako. “Hindi niyo ba ako nakikita, kanina pa ako nag bubusina sa labas ng gate. Buksan niyo ito at papasok ako.” Maowtoridad kong utos.
“Sorry talaga Mam Kayla, pero hindi talaga pu-pwede.”
“Anong hindi pu-pwede? Amo mo ako, kaya buksan mo na itong gate kundi malilintikan kana talaga sa akin.” Banta ko sakanya.
Hindi na maganda ang mood ko ngayong araw kaya huwag niya ng dagdagan.
“Pasensiya na talaga Mam, gugustuhin ko man po na pag buksan kayo pero iyon talaga ang utos ng Lolo niyo sa amin na huwag kayong papasukin.” Kaasar!
So tinotoo niya talaga ang banta niya na hindi na ako makaka- uwi hangga’t hindi ako buntis. Akala ko lang bluffed lang iyon para takutin niya ako, para mapa sunod lang sa kanyang gusto at hindi ko naman alam na seryoso talaga siya.
Kumulo na ang dugo ko at namula na parang kamatis ang pisngi ko sa galit.
“Huwag mong pinapainit ang ulo ko, buksan mo na ito kung ayaw mong mawalan ng trabah——“ hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang suminggit ang katulong, mukhang napalabas siya sa malakas at pag sisigaw ko.
“Mam Kayla.”
“Oh, thank god nandito kana, Inday.” Salamat naman at may isang tao na ang mag papasok sa akin sa loob. “Pag sabihin mo nga itong si Manong Bert, hindi ginagawa ng maayos ang trabaho. Hindi ako pinapapasok sa loob.” Asik ko pa na pinagsasabihan ang katulong.
Naka tayo lang ang katulong sa gate, binigyan ko siya ng weird look na bakit wala pa ata siyang balak na buksan kagaya ng guard na ito.
“Sorry po talaga Mam Kayla, pero iyon po talaga ang utos ng Lolo niyo.”
“Pati, ikaw rin?”napa buga na lang ako ng hangin. Kong kaya ko lang talaga sila mahatak ng hindi naka harang ang gate, baka sinabunutan ko na silang dalawa. “Tawagin mo si Lolo, right now. Tiyak na papasukin ako no’n kapag nalaman niyang nandito ako sa labas. Ano pang, tinutunganga mo riyan, Inday? Tawagin mo na si Lolo, bilis!”
“Pero Mam Kayla.”
“Ano na naman?” Pagod na pagod na ako makipag usap sa kanilang dalawa.
“Wala po si Sir Fernand dito.” Nag kasalubong ang kilay ko. “Umalis siya Mam Kayla, nag bakasyon kaninang umaga lang umalis.. Hindi po namin alam kung kaylan siya babalik at kung saan siya pumunta.”
Para akong hihimatayin sa narinig ko.
Nag bakasyon talaga si Lolo, ng hindi sinasabi sa akin?
Bakit hindi ko iyon alam?
Bakit, walang nagsabi sa akin?
Everytime na may mga lakad o simpleng pupuntahan si Lolo, madalas siyang nagsasabi at nag uupdate sa akin tapos ngayon wala man lang siyang pasabi at paramdam buong mag hapon, na kanina pa ako nag te-text at tumatawag sakanya.
Parte pa ba ito ng parusa mo sa akin, Lo?
“Kong wala si Lolo, fine.” Pag susuko dahil alam kong hindi ko sila madadala. “Kukunin ko na lang ang mga natira kong mga mahahalagang gamit sa room ko, kaya buksan niyo na ang gate at mabilis lang ako.”
Iyan lang ang only way ko para maka- pasok sa loob.
Hindi ako naniniwala na nagbakasyon si Lolo , panigurado nasa loob lang siya ng Mansyon at ayaw magpakita sa akin.
Nagkatinginan lang ang guard at maid na para bang may tinatago sa akin. I knew it, nasa loob at hindi umalis si Lolo.
“Pasensya na po talaga Mam Kayla, kami rin po mapapagalitan ni Sir kung papasukin namin kayo.” Inday. “Sorry talaga.” Dahan-dahan na siyang lumayo sa gate na para bang nag eexit na siya kaagad.
No, no, no.
Huwag kang umalis, Inday.
“Hoy, saan ka pupunta? Pag buksan mo na ako ng gate.” Humawak na ako sa gate at wala na akong pakialam kong napaka lakas man ng boses ko.
“Sory po Mam Kayla, at bye po.” Kumaripas ng tumakbo si Inday palayo.
“Inday, bumalik ka dito!” Umalingawngaw na ang malakas kong boses na kinalampag ko ng malakas ang gate sobrang inis at galit ko.
Galit na galit, na tinatanaw ko na lang siya ng tingin palayo, hanggang kusa itong nawala sa paningin ko.
Ugh, nakakainis talaga.