"Bumalik na tayo sa siyudad." Bahagya ko lang na sinulyapan si Perri. Mahigit nitong hawak ang palad ko at nakikiusap na bumalik na kami sa siyudad."Pakiramdam ko kapag hindi ka pa sumama sa akin ay rito na matatapos ang lahat ng mayroon sa atin." Nagsimula itong umiyak. "Wala kang dapat ikatakot." Seryosong ani ko rito. "Anong wala? Oo, may usapan tayo na pwede tayong makipag-do kahit kanino. Pero usapan natin tayo pa rin kahit walang label ang relasyon natin, pero nakikita ko na matatapos na iyong usapan na iyon." Cool lang na tinignan ko ito. "Tsk." "Kung sinasabi mo na nag-o-overthink lang ako, sana nga overthinking lang ito. Pluma, alam mo naman sigurong kahit wala tayong tunay na label ay alam mong mahal kita." "Mahal din kita." "Pero hindi the way nang nararamdaman ko sa '