Pagsapit ng alas-5 ay umalis na rin ako sa tabi ni Nat. Maglalaho muna ako sa mga buhay nila. Panonoorin ko muna kung paano guguho ang mundo ni Zenia at ng kanyang pamilya. Sorry, Nathaniel. Pero narito ako para lang isakatuparan ang plano ko. NAGISING AKO NA WALA na sa tabi ko si Pluma, no! For sure wala naman talaga ito sa tabi ko. Imagination ko lang iyon dahil lasing ako. Pinilit kong bumangon kahit nahihilo pa ako. Pakiramdam ko'y ang lagkit-lagkit ko. Sa tuwing pumapasok ito sa panaginip ko ay nauuwi sa pagtatalik ang lahat. Panaginip lang, pero parang totoo. Nagtungo ako sa shower, naligo at saglit na tinitigan ang sarili sa salamin. "Damn!" obvious na obvious ang mga kiss mark sa dibdib at abs ko. Parang pinanggigilan iyon. Tiyak ako na wala iyon noong magtalik kami ni Pl

