Alliyah’s POV “Anak mo sya!” “hindi nga!” “Anak mo nga!” “bakit ba mas marunong ka pa sakin?” “eh bakit ba mas marunong ka pa sa anak mo?” “hindi ko sya anak!” “anak mo sya!wala ka man lang bang nararamdamang lukso ng dugo?” sabi sakin ni Ivan sabay turo sa bata. Napatingin ako sa bata na kumakain ng cotton candy na singhot ng singhot at kung saan saan na nagsidikitan ang kulay blue na cotton candy. Napatingin sya sakin, may kamukha talaga sya eh!lalo na’t ganitong nagkalat ang kulay blue sa kanya “mommy po nahuhuhaw na po ako po..” sabi nya sabay singhot. Mapapatay ko talaga magulang ng batang to.. Kinuha ko yung panyo ko pinunasan yung ilong nya pati mukha pati laway leche lahat na! “aww.. ang mag ina!” sabi ni Ivan sabay nag pout pa