Abby’s POV “ No no no no no ! kulay blue yan! Saki black lang yan, ako ng mag bubura dyan!” narinig kong utos ni Alliyah Medyo maingay ngayon dito sa gym kahit sabado walang pasok. Sabay sabay na nag sasalita halos lahat ng gumawa ng banners, dagdag mo pang may naglalaro sa court. May pasok kasi ang arts club ngayon pati yung ibang sports club ang dance troupe,mamaya pa pero sumabay nalang din ako kina Alliyah, Si Diane din nandito,pero extra lang sya,tinatamad daw sya sa bahay nila Present din syempre ang Student Council “Ah..yan!Blue din ya---ARAY!” sigaw ni Alliyah “Hehe..Sorry” nakangiting sabi ni bricks tapos nagpatuloy sa paglalaro ng basketball Yep, kasali sya sa mga naglalaro,actually pangatlong beses nya ng binabangga si Alliyah,mamaya puputok na yan “Abby tigna