Alliyah's POV
“Alliyah stop with the whining “ saway sa akin ni Nana habang hatak-hatak nya ako papunta sa Cafeteria ng University namin.
“Eh bakit ba kasi pupunta pa tayo doon? Daming food hub sa loob ng university sa cafeteria pa talaga?” inis kong tanong.
“Maarte ka lang kaya ayaw mo sa cafeteria”
“Ano ngayon kung maarte ako at ayaw ko sa cafeteria? Eh totoo naman?” nap ailing si Nana sa sinabi ko at patuloy akong hinatak.
“30 mins break lang ang ibinigay sa atin and this is the closest na pwedeng bilhan sa room natin. Lets just go”
Maarte ako Oo, but hindi iyon ang dahilan kaya ayaw ko sa cafeteria, aside sa it’s full of elementary and highschool students na sabay-sabay mag recess, which means crowded, sa side rin ng school na ito madalas malapit ang classes ni Yano and Abby, meaning? More chances of seeing them.
How did I know? Well, kung hindi man halata sa plot ng storyang ito, ex ko si Yano at hindi ako maka paniwalang sumasama ako sa kanya noon ditto. Eww, the horror of being blinded by love. But still, Yano is the only one who can make me do it. He’s the only one na kayang ipagawa sa akin ang mga bagay na labas sa comfort zone ko.
He was very kind and supportive, always encouraging me to try all the shits I hate. Its okay, new experiences naman but I still hate those.
Pagpasok naming doon, para akong sinampal ng hangin, I hate crowded places like this pero the noise and the crowd is so nostalgic na instead na mainis ako, parang gusto kong i-absord lahat. Dahil huli kong narinig ang ingay na ito noong masaya pa ako.
“Stay here ha, bibili lang ako ng mabilis” at tumakbo na palayo si Nana, naupo ako sa vacant seat na malapit sa akin and opened my phone.
"Oh look who's here" The familiar annoying voice. “ It’s nice to see you again Alliyah” naka ngiting bati sa akin ni Abby, the b***h herself. Nalimutan ko, cafeteria means Yano is around, at nasa paligid si Yano paniguradong nandyan ang linta nyang girlfriend.
“Abby!” bati ko sa kanya na kunyari naka ngiti “ What a f*****g annoying coincidence don’t you think? Sa lahat ng pwedeng maikita ikaw pa?” tumaas ang kilay nya sa sinabi ko, probably na offend. Well, good, yun naman talaga ang gusto kong mangyari.
"Akala ko ba hindi ka nakain sa cafeteria na ito? Crowded and noisy like what you always say but here you are, oh wait, could it be na ginagawa mo pa rin to for MY Yano?” at pinarinig nya sa akin ang signature hyena laugh nya, sarap saksakan ng tinidor sa bibig “ Akala mo ba babalik sya sayo pag naging katulad na kita?Simple yet beautiful in her own way,nakain kahit sa karinderia unlike you na maarte gusto pa ng fine dining." Halos mag iksrima na ang kilay ko sa kanya.
Si Abby lang talaga ang bukod tanging may kakayahang makapag pairita sa akin ng wala pang isang minute.
“Well, should I give you a medal dahil kumakain ka sa Karinderia?Honey, I would eat there it if only I didn’t have all these credit cards. Siguro mang hinihingi nalang ako sa ng pasensya sayo? I’m sorry I’m rich? I’m sorry din kasi hindi ako yung tipo na babaguhin ang sarili para sa lalaki? I can probably take Yano back right here, right now but then what will happen to you? I’m no mang aagaw like you, At least I’m still pretty and rich without him, eh ikaw?” wrong. This is just me defending myself dahil hindi ako makakapayag na tama sya.
I always think na isa sa mga rason kung bakit nag sawa si Yano sa akin is because I’m high maintenance, always whining it I didn’t get what I want, always thinking I can afford everything to settle for less. But then what do I do?
Ganoon ako pinalaki, do I have to change myself? I’m sorry if I’m high maintenance pero wala naman akong inaapakang tao. I maintain myself, hindi naman ako nanghihingi sa kanya so why is it a big deal?
"Ho—How dare you?!Akala mo kung sino kang maganda?! You—Y "
"Babe!" pareho kaming napatingin sa nagsalita. I could see the smile on Aabby's face nung nakita yung nagsalita, and all I felt was coldness.
Mula sa masasayang mga mata biglang tumaas ang kilay sa akin ni Abby bago nag salita.
"Babe! Im right here!"sigaw naman ni Abby kay Yano. Hindi pa nakakahinga si Yano sa pagtakbo palapit sa kanya, Abby immediately wrap her arms around Yano’s neck and gave him a kiss. Kitang kita ko sa mga mata ni Yano ang gulat.
Abby just gave him a smack after that, ngumiti si Yano, pinalupot nya ng mariin ang kanyang braso sa baywang ni Abby at hinalikan ito ng malalim. Ang lahat ng ito habang nasa harapan ko.
I didn’t know what to feel. Gusto kong magalit, dahil habang nagkakanda sira ang buhay ko heto sila at masaya, gusto ko silang awatin dahil anong karapatan nilang gumanyan sa harapan ng taong niloko nila. Pero higit sa lahat gusto kong maiyak. Seeing how happy they are in each others arm is tearing me to pieces.
Paanong nag dudulot ng saya sa dalawang tao ang pagmamahalang naka sira sa kaligayahan ng iba?
They smiled at each other after the Kiss ng bigla napatingin si Yano sa akin. Shock was evident on his face. Yeah man, you just made out in front of the girl you both hurt.
“Ah Alliyah, nandito ka pala. Nakakagulat na makita ka dito “ then he gave me that signature boyish smile I love so much. “Akala ko ayaw mo sa lugar na ganito eh “
Ayaw ko Yano. Ayaw ko sa ganitong lugar, maingay at masyadong madaming tao pero pagkasama kita noon, hindi ko napapansin iyon. Kapag Kasama kita parang tayo lang dalawa, All I could see was your boyish smile and your hands on mine.
"I’m just here para samahan si Nana “ simple kong sagot. Trying so hard para hindi mahalata ang nginig sa boses ko.
“Ganoon ba? Well, mauna na kami ni Abby, let’s go babe, naka bili na ako ng food natin “ at humawak sya sa baywang ni Abby para alalayan ito.
"Pero babe sandali, si Alliyah kasi eh abi nya im mang-aagaw daw at she can steal you away from me anytime, she even said I’m pitiful.” Look at his sumbungera. Can’t fight your own battles now Abby? Samantalang bigay na bigay ka noong agawin mo sya sakin.
napatingin naman sakin si Yano at bumuntong hininga. He’s disappointed, I can already tell. Nanlamig ang buong katawan ko, hindi pa rin nawawala sa akin ang kaba kapag pakiramdam ko may ginawa akong mali noon.
“Alliyah, napag usapan na natin noon hindi ba? Hindi mang aagaw si Abby. If anyone’s at fault ako siguro iyon. Ilang beses ko na itong sinabi pero humihingi ako ng tawad kung hindi ako kumapit. I just feel like we are not compatible Alliyah, I can never live up to you. Abby and I understand each other. I love her. “ Gustong gusto ng malukot ng mukha ko sa sinabi nya pero hindi ko ginawa Alliyah will never shed a tear in front of you anymore.
Ang dali sabihin sa kanya ng lahat ng iyon, when he found out that he can never live up to my image, to my lifestyle, nag hanap sya ng iba, kaysa pag usapan namin, iniwan nya ako.
How can I feel so much pain para sa maikli naming relasyon.
Hindi ako nakapag salita sa sinabi nya, I saw Abby smirking at side while Yano is giving me pitiful look. I don’t like this. I’m not pitiful. I am never pitiful. I can whatever I want.
"Alliyah sana hayaan mo na kami ni Abby, let’s move past this, let’s move on at please wag mo ng pag salitaan si Abby, beca ause whenever youre hurting her, youre also hurting me. I suggest you find another guy of your level. I love abby, I won’t leave her. “ No Yano. I’m not like you. Na kapag nahirapan mang iiwan at hahanap ng iba.
Before I can even speak, biglang may umakbay sa akin.
“Baby, I was looking everywhere for you” bago ko pa malingon ang nag salita I can already tell who it was. The deep voice that annoys me so much.
“Ah, ikaw ba ang ex ni Alliyah? Yano tama ba?” nakitaan ko pa ng simpleng ngiti si Kyler. The f**k? Sa lahat ng pagkakataon ngayon pa sya ngingiti? This suplado is smiling in this situation?
Gusto ko syang bigwasan sa pinag sasasabi nya but seeing the shock in Abby’s eyes brings me so much satisfaction. Whatever, kung ano mang pinagsasasabi ng Yelong to, go lang. The least I could do is look pitiful and he helped me with that.
I cleared my throat at pinulupot ang kamay ko sa baywang ni Kyler and somehow felt his hard stomach. Daaamn.
“Thanks for the ted talk Yano and Abby, but I don’t really need it. Lets go baby may date pa tayo, I really wanna buy those Chanel new collection. “ ngiting ngiti kong sabi. Eww, baby.
“Alright, you get whatever you want love “ halos mapa ngiwi ko sa banat ni Kyler. Eww.