"Hala, sino kaya itong maagang pumarito sa clinic ko?" tanong ni Jamellah sa kawalan nang natanawan ang halatang nahihirapang tao sa harapan ng clinic niya. Soft hearted as ever, nagmadali siyang lumapit sa kinaroroonan nito. Normal birth naman kasi siya at siya ang may-ari sa clinic kaya't pumasok na rin siya makaraan ng isang buwan simula isinilang niya ang anak. "Magandang umaga po, Kuya. Kaya mo pa bang tumayo? Ano po ang ginagawa mo rito? Halika po, pasok ka po sa loob upang ma-check ko ang kalagayan mo." Hindi siya puweding magpuwersiya dahil kapapanganak niya ngunit hindi rin naman niya maaaring pabayaan ang taong halatang nanghihina. Laking pasasalamat niya dahil hindi ito naging pabigat. Tinulungan siya nito at ang sarili upang makapasok sa loob. Dali-dali niya itong iniayos sa