IKA-DALAWAMPO'T ANIM NA KABANATA

2491 Words

Nagtatalo man ang isip at puso ni Zack ng mga sandaling iyon ay mas pinili pa rin niya ang dikta ng isipan niya na tulungan ang asawa upang pukawin ang agam-agam nito. Lumapit siya rito at pinagmasdang mabuti ito. Mahimbing itong natutulog sa duyan sa tree house ng pamilya Mckevin. Kitang-kita niya ang butil ng luha sa pisngi nito. Pinatay muna niya ang stereo na pinagmumulan ng music at pinapakinggan nito bago siya lumuhod para pumantay dito. "Hindi ko alam kung saan ako magsisimula, Jamellah. Pero ito ang maipapasigurado ko sa iyo, mahal na kita. Hindi ko man siguro masabi-sabi o maamin sa iyo ngayon pero hindi ibig sabihin na balewala ka sa akin. Oo, minahal ko ang kambal mo pero habang tumatagal ay mas napapatunayan kong nabaling na sa iyo ang pagmamahal ko sa kaniya. Hindi man siguro

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD