IKA-DISESIYETE NA KABANATA

2374 Words

"I need your explanation, Janellah Pearl!" mahina man pero kasing lamig na yata ng yelo na tanong ng binata. Hindi pa nga siya nakapagmove-on sa tunay niyang pagkatao ay mayroon na namang dumagdag. Tama, hindi niya ito natatawagan araw-araw ngunit hindi naman ibig sabihin na wala na siyang karapatang malaman kung ano ang nangyayari. Ito ang kauana-unahang babae sa buhay niya ngunit mukhang ito rin ang unang magbibigay ng kabiguan sa kaniya. "Zack?" nahintatakutang tanong ni CJ. Hindi man niya ito nakasama at nakilala ng malapitan ngunit sa tuwing sinusundo nito ang kambal niya ay nasa paligid siya. Nagtatago upang hindi magpang-ahot. Nakikita rin niya ito sa malayuan kaya't masasabi niyang ibang-iba ang Zack na nasa harapan niya sa araw na iyon. Punong-puno ng hinagpis ang mga mata nito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD