"Enough crying, honey. Baka talagang hindi para sa atin ang kambal ni baby Zack Joseph." Pang-aalo ni Zack sa asawa. Aware na aware silang kambal ang nasa sinapupunan nito ngunit dahil sa pagkakamali ng nurse ay iisa lamang ang nabuhay. "That b***h! Ipapatanghal ko ang lisensiya niya, Hon. Kung nag-ingat sana siya ay buhay na buhay ang isa pa nating baby." Sumisinghot-singhot pa rin ang bagong panganak. "Oh, marunong ka rin noon, Honey? Unang beses kitang naringgan na nagsalita ng ganoon ah." Nalulungkot siya dahil iisa lamang ang nabuhay sa baby nila ngunit hindi niya naiwasan napangiti dahil sa "that b***h" ng mahal niyang asawa. Sa tinuran ng asawa niya ay natahimik siya. Totoo namang hindi siya pala-mura. Baka ang kambal niya ay puwedi pa. Kapag naiinis ito ng sobra-sobra ay b***h a