Kinabukasan... Dumating ang mag inang Leona at Lorna sa siyudad ng Baguio ayon na rin sa kagustuhan ng binatang si Zack para may kasama silang mag-ama na humarap sa pamilya Mckevin. Lorna?" maang na tanong ni Zack nang napansin ang may kaumbukan na tiyan ng kapatid. "Opo, Kuya, pero huwag ka ng magalit. Dahil hindi ko naman ito kagustuhan kung ako lang ang masusunod ipinalaglag ko ito," mapait na sagot ng dalagita. "Si Alvarez ba ang ama?" Muli ay nabuhay ang poot sa mata ng binata na hindi nalingid sa amang si General Santiago. "Don't think of having a revenge to him again anak. Ang isipin mo ay ang problemang kinakaharap mo ngayon dahil ang reputasyun mo ang nakasalalay dito. Hayaan mo na silang mag ama dahil parehas na silang nasa Muntinlupa," wika ng opisyal dahil sa nakikitang re